| Christine Reeze Fernandez

May be an image of text that says 'ANC LWANAG SAMSUNG SOLVE FOR TOMORROW 2025 ΛΤΙ Ghea Nadera, Jenaiah Interia, Sophie Hermandez, Daryn Buco, Cedrick Ramirez, at Gabriel Alfonso @angliwonagpesci @angliwanagpasci@gmail.com'

 
Idinaos ang pangmalawakang kompetisyon na Samsung Solve for Tomorrow 2025 na pinagbidahan ng mga piling mag-aaral ng ikasiyam na baitang ng Pasay City National Science High School na isinagawa sa pamamagitan ng pagpasa ng mga entries sa digital na plataporma mula Setyembre 11 hanggang Oktubre 26.
 
Ang programa ay naglalayong pagtibayin ang kakayahan ng mga estudyanteng galing sa pampublikong paaralan ng Science sa paggamit ng mga solusyon sa ating komunidad na nakabase sa konsepto ng STEM. Kasabay ang paglinang at pagsanay ng kritikal at malikhaing pag-iisip.
 
Nagsumite ang mga mag-aaral na sina Ghea Nadera, Jenaiah Interia, Sophie Hernandez, Daryn Buco, Cedrick Ramirez, at Gabriel Alfonso ng proyekto na may titulong “SARIMAX Forecasting of Rabbitfish (Siganus) Catch Volume in Pangasinan: Evaluating the Influence of Plastic-Induced Thalassia hemprichii Decline” sa gabay nina Bb. Rexielle Villareal at Bb. Anne Falcatan.
 
Tagumpay na napabilang sa sampung (10) pinakamahusay na gawa ang kanilang proyekto na may layon na protektahan ang tirahan ng mga seagrass at gawing tuloy-tuloy ang pag-ani ng mga isda.
 
Magpapatuloy sa pinal na presentasyon sa Disyembre 3, 2025 ang mga mag-aaral na nabanggit.