Written by: Christine Reeze Fernandez
Ginanap ang paunang misa sa taong 2026 sa gymnasium ng Pasay City National Science High School nitong ika-9 ng Enero para ikomemora ang pista ng Itim na Nazareno.
Pinangunahan ni Fr. Edgardo C. Coroza ang misa ng mga katoliko. Ang pagninilay ay nakasentro sa sakripisyo at pagkamatay ni Hesus para sa sanlibutan upang maligtas sa mga kasalanan.
Kasabay rin ang paunang Morning Worship and Prayer (MWP) ng mga Kristyano sa canteen, at mga Muslim sa silid-aklatan.








