Written By: Juan Cabingue
Nagwagi ang mga mag-aaral sa ika-9 na baitang ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) sa 2nd National Scientific Challenge (NSC) na isinagawa gamit ang online na plataporma nitong ika-15 ng Pebrero 2026.
Natamo nina Alzen Loyd B. Cruz at Bryan Trevor C. Narciso ang gintong medalya.
Habang nasungkit nina Orange Zyrille G. Alcaraz, Juan Ian Antonio D. Cabingue, Akishamay P. David, Bryant Harvie C. Olivete, Jeryl V. Padilla, John Carlo S. Pepito, at Eisen Weins M. Vicente ang medalyang pilak.
Nakamit naman ni Jairus Asher G. Deslate ang medalyang tanso.
Umikot ang paligsahan sa larangan ng agham tulad ng Biology, Chemistry, Physics, Environmental Science, at Astronomy.
Ang 2nd National Scientific Challenge ay isang pambansang online na paligsahan na bukas sa mga estudyanteng Pilipino mula Grade 3 hanggang Grade 12 sa taong panuruan 2025-2026 na naglalayong paunlarin ang kasanayan sa agham, kritikal na pag-iisip, at paglutas ng suliranin.
Nagtagumpay ang mga mag-aaral ng PCNSciHS sa kompetisyong ito sa gabay at tulong ng tagapagsanay na si Gng. Demetria M. Lappay.
Inilabas ang opisyal na resulta nitong Pebrero 19 sa pamamagitan ng Google Drive link sa Facebook post ng Philippine Education Nexus-PEN Inc., nag-organisa ng patimpalak.













