| Juan Ian Antonio Cabingue
| Czyrish Conanan
| Ashley Ballesteros
Nakamit at nagtagumpay ang mga mag-aaral mula Pasay City National Science High School (PCNSciHS) sa ginanap na Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) – Heat Round nitong ika-19 ng Oktubre gamit ang online na plataporma.
Inilabas ang opisyal na resulta noong Oktubre 23, 2025 sa pamamagitan ng Facebook post at Google Drive link na binubuo ng mga libo-libong estudyanteng Pilipino mula Kindergarten hanggang Senior Highschool. Kabilang dito ang mga mag-aaral ng PCNSciHS, na nagwagi sa patimpalak.
Nasungkit ni Ivan Ray Timothy Bautista ang gintong medalya sa Grade 7 category. Samantala sa Grade 9 category, nakamit ni Orange Zyrille Alcaraz ang gintong medalya at ni Tristan Johann Bautista ang medalyang pilak. Sa larangan naman ng Senior High School category, natamo ni Filha Ray Penelope Bautista ng ika-12 baitang ang gintong medalya.
Nagpakita sila ng isang lohikal na pag-iisip, malikhaing pag-iisip sa problem solving, at interes sa larangan ng Sipnayan. Ang kanilang mga nagawa ay nagbigay inspirasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral at ipinakita rin dito ang potensyal na pag-abot nila sa pamantayan ng Thailand at ang kanilang kahusayan sa asignaturang Matematika.
Ang Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) ay kinikilala bilang isang pandaigdigang paligsahan na may layuning paunlarin ang malikhaing pag-iisip, palakasin ang kanilang kasanayan sa kompyutasyon, at mas lalong payabungin ang interes ng bawat mag-aaral sa larangan ng Sipnayan.
Naipakita ng mga estudyanteng Pilipino ang kanilang kahusayan sa Matematika sa internasyunal na level sa tulong ng virtual na plataporma.
Nagtagumpay ang mga mag-aaral ng PCNSciHS sa kompetisyong ito sa gabay at tulong ng kanilang mga tagapagsanay na sina G. John Bryan P. Pacris, Gng. Chiradee O. Javiniar at Bb. Rexielle Joy V. Villareal. Inorganisa ito ng Math Olympiads Training League Inc. (MOTLI) na may motto na “Create the genius in each child ” at may layuning mas paunlarin pa ang mga talento ng mga kabataang Pinoy sa asignaturang Matematika.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |







