Written By: Jane Ashley Tuazon

Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral ng ika-12 baitang ng Pasay City National Science High School sa Statistical Challenge na ginanap sa University of the Philippines Diliman (UP) College of Statistics nitong ika-28 ng Pebrero.
 
Nasungkit ng mga PaScian na sina Filha Ray Penelope J. Bautista, Julie Mael M. Dimla, at Neil Josh D. Icaro ang ika-siyam na puwesto sa indibidwal na kategorya, na nagpapakita ng kanilang husay sa paglutas ng mga problemang may kaugnayan sa estadistika at pag-aanalisa ng datos.
 
“Review and study what is on the coverage of the quiz bee.. hindi lang namin na-anticipate yung level of difficulty.. pang college level,” ani Gng. Aborde-Villanueva, sa paghahanda sa naturang kompetisyon.
 
Lumahok sa nasabing kompetisyon ang iba’t ibang paaralan upang subukin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng estadistika at pagsusuri ng datos.
 
Pinangunahan ng University of the Philippines ang kompetisyon na may layuning mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa estadistika at mahikayat silang gamitin ang datos sa masusing pagsusuri at paggawa ng makabuluhang konklusyon.
 
Nakamit ng mga mag-aaral ang tagumpay na ito sa tulong at gabay ni Gng. Abegail C. Aborde-Villanueva, guro sa Statistics at kanilang tagapagsanay.