| Zacharie Macalalad
| Czyrish Conanan
Nagwagi ang PaScians sa eROBOLUTION Dubai 2025: Global Olympiad in RAMPS (Robotics, AI, Math, Programming & Science) – Preliminary Rounds BATCH 2 na ginanap online noong Oktubre 10, 17, 25, at 26.
Nasungkit ni Alzen Loyd B. Cruz ang unang pwesto sa Biology (Category 4), at ikalawang pwesto sa Chemistry (Category 4). Habang parehong nakamit ni Christian Dave Tabada ang ikalawang pwesto sa Chemistry and Biology (Category 3).
Nagwagi naman sina Willard James H. Alfonso ng ikalawang pwesto sa Biology (Category 4), Orange Zyrille G. Alcaraz ng ikalawang pwesto sa Mathematics (Category 4), at Einsen Weins Vicente ng ikatlong pwesto sa Robosim (Junior High School Category).
“Noong malaman ko po na 2nd place po ako, sobrang natuwa talaga ako kasi ramdam ko na nagbunga ‘ang mga oras na nilaan ko para dito,” ani Alcaraz.
Ang mga kalahok sa ikatlong kategorya ay ang mga mag-aaral na mula sa ika-7 at ika-8 baitang, at ang mga kalahok sa ikaapat na kategorya ay mga mag-aaral mula sa ika-9 at ika-10 baitang.
Layunin ng paligsahan na ito na paunlarin ang kakayahan ng mga kabataan sa larangan ng robotics, artificial intelligence, matematika, programming, at agham; at bigyang-daan ang internasyonal na kompetisyon para sa inobasyon.
Ang Top 3 placers na nagkamit ay magsisilbing kinatawan ng Pilipinas sa Global Finals ng paligsahan na gaganapin sa Dubai.
Nakamit ng mga mag-aaral ang tagumpay na ito sa tulong at gabay ni Gng. Aizah C. Agub-Ariz, Gurong Tagapagsanay na sinuportahan ni Gng. Lejanie T. Baya, Puno, Kagawaran ng TLE-ICT, sa ilalim ng pangangasiwa nina Gng. Sara Jane T. De Los Santos, Kawaksing Punongguro, at Dr. Mark Anthony F. Familaran, Punongguro.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |










