: Zacharie Macalalad
: Lianne Villamena
: Ashley Ballesteros

Pormal nang ipinroklama ni Bb. Joanna Marie B. Luciano, kinatawan ng Board of Directors Electoral Committee (BOD ELECOM), kasama si Dr. Mark Anthony F. Familaran, Punongguro, Gng. Sara Jane de Los Santos, Kawaksing Punongguro, at Rebecca O. Esguerra, Admin Officer II ng Pasay City National Science High School, ang bagong hanay ng mga opisyal ng School Parent-Teacher Association (SPTA) at Board of Directors (BOD) para sa Taong Panuruan 2025–2026. Ginanap ang proklamasyon sa Audio-Visual Room ng paaralan noong ika-11 ng Hulyo.

Bilang kinatawan ni G. Emerson T. Constantino, SPTA Focal Person, pinamunuan din ni Bb. Luciano ang isinagawang ballot voting para sa mga opisyal ng SPTA. Tanging ang posisyon ng Kalihim ang pinagbotohan mula sa hanay ng mga guro.

Dumalo at nagsilbing Lupon ng Halalan ang mga guro sa Araling Panlipunan na sina Bb. Joanna Marie B. Luciano at G. Oscar Q. Adrayan Jr., guro sa ICT na si Gng. Rose Ann D. Quezon, at Guro sa Agham na si Gng. Florence E. Gacasan. Kasama rin ang mga kinatawan ng bawat antas na inihalal ng mga pangulo ng Homeroom Parent-Teacher Association (HRPTA), gayundin ang tatlong gurong tagapayo na nahirang bilang bahagi ng Board of Directors.

Narito ang mga opisyal na nahalal sa SPTA:

Pangulo: Jenny M. Delos Santos

Pangalawang Pangulo: Noli A. Diaz

Kalihim: Mary Grace T. Dela Cruz

Ingat-yaman: Nenita P. Daliva

Awditor: Angelyn G. Langote

Samantala, ang mga bumubuo sa Board of Directors ay ang mga magulang na sina G. Raul Sy at Bb. Irish Cañete, at mga guro sa Araling Panlipunan na sina G. Jojo Ray C. Dela Cruz at G. Benjamin N. Lañada.