Mga mamamahayag: Ayesha Salazar at Mervyn Valdez
Opisyal nang nilagdaan ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) – College of Science ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na nakatuon sa programa ng Work Immersion para sa mga mag-aaral ng Senior High School ngayong ika-3 ng Abril sa Dr. Mateo Conference Room ng PUP Sta. Mesa.
Pinangunahan ng punongguro ng PCNSciHS na si Dr. Mark Anthony Familaran at ni Dr. Lourdes Alvarez, Dekano ng PUP – College of Science, ang pirmahan ng kasunduan. Dumalo rin sa nasabing seremonya ang ilang opisyal at kinatawan mula sa parehong institusyon, kabilang sina Gng. Sarah Jane de los Santos, Gng. Rosalida Sinsuan, Gng. Arlene Esber, G. Emerson Constantino, G. Christian Jayvon Laluna, Sofia Michiko Yamamoto, at Filha Ray Penelope Bautista, kasama ang mga guro mula sa Kolehiyo ng Agham ng PUP.
Nakasaad sa kasunduan ang mga layunin at responsibilidad ng dalawang panig upang mapalawak ang mga oportunidad sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Senior High School, lalo na sa larangan ng Agham.
Bukod dito, tinalakay rin sa pagpupulong ang mga posibleng susunod na hakbang sa pakikipagtulungan ng dalawang institusyon, partikular sa larangan ng Nutrition and Dietetics at sa programang BIOEXCEL: Engaging High School Students in Experimental Biology and Scientific Research Writing.















