: Alaiza Eunice S. Cruz
: Juan Miguel Santos

Isinagawa ang Oath Taking at Turnover Ceremony ng mga dati at bagong administrasyon ng Supreme Secondary Learners’ Government (SSLG), School Parent-Teacher Association (SPTA) at Faculty and Employees Association (FEA) na dinaluhan ng punongguro, mga opisyales na mag-aaral, mga magulang at mga guro sa School Canteen ng Pasay City National Science High School (PCNSCiHS).

Sinimulan nina Sofia Michiko Yamamoto at Ayesha Ehris Salazar ang programa bilang mga tagapagdaloy ng seremonya na may temang, “With a Heart that Serves and a Spirit United: Towards Nation-Building through Pascian Leadership” ganap na alas dos ng hapon.

Sinundan agad ito ng preliminaryo sa pangunguna ng ilang miyembro ng Glee Club na sina Orange Alcaraz, Althea Ventura, Janieve Dayangco, at Carlos Agripa ng ikasiyam na baitang.

Binanggit ni Dr. Mark Anthony F. Familaran, punongguro ng PCNSciHS, ang nalalapit na Induction Ceremony ng mga mamumunong PaScian sa iba’t ibang klab sa darating na Agosto 8 sa kanyang mensahe.

“Since nandito na rin po ang ating mga parents, inaasam po namin na sa Induction po ng ating mga student sa organizations po natin in the school ay present din po kayo para makita natin kung paano pinaghandaan ng ating SSLG ’yong presentation“ aniya.

Ginawaran ng sertipiko ang mga naglingkod na lider sa nakaraang taon bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo. Sa ilalim ng administrasyon ni Sofia Michiko Yamamoto sa SSLG, Gng. Jenny Delos Santos sa SPTA at Gng. Chiradee Javiniar sa FEA.

Naghandog muli ng isang awit si Dayangco na ang mensahe ay simbolo’t paalala ng malasakit at pagmamahal sa bayan.

Ipinasa ni Gng. Javiniar, pangulo ng FEA mula taong 2023 hanggang 2025, ang kanyang tungkulin kay Gng. Jackyline T. Lagaña, ang bagong halal na pangulo para sa taong 2025 hanggang 2027.

Gayundin ni G. Jojo Ray Dela Cruz, kinatawan G. Emerson Constantino, focal person ng SPTA upang ibahagi ang pagtanggap sa tungkulin ni Gng. Delos Santos para sa kanyang pangalawang termino bilang pangulo ng SPTA para sa taong 2025 hanggang 2026.

Binigyang-diin ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng mga naturang organisasyon na pinangunahan ni Gng. Delos Santos—ang kanilang panata sa tapat na paglilingkod sa paaralan kasama ang bagong administrasyon sa pamumuno ng SSLG sa ilalim ni Filha Ray Penelope Bautista ngayong taong panuruan.

Nagbigay ng pangwakas pananalita si Gng. Lagaña upang pasalamatan ang lahat ng dumalo at hikayatin ang mas aktibong pakikilahok ng mga guro, magulang, at mag-aaral sa mga susunod na proyekto ng paaralan.

Natapos ang palatuntunan dakong alas tres ng hapon. Ito ay patunay ng mas pinagtibay na ugnayan ng mga guro, magulang, at mag-aaral sa iisang layunin—ang patuloy na pagpapaunlad ng edukasyon at karakter ng kabataan.