Namayagpag ang Ang Liwanag sa 44th Pasay City Schools Press Conference and Contests, dala ang husay at dedikasyon ng kanilang mga estudyante sa pamamahayag. Muling pinakita ni Zacharie Macalalad ang galing niya nang makamit ang ikalawang puwesto sa Pagsulat ng Balita sa tulong ni Gng. Myra R. Jaime, habang si Carl Vincent Chua ang nagwagi ng unang puwesto sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan sa paggabay ni Gng. Ashlee M. Castillo.
Hindi rin nagpahuli si Marc Jared Sario, na umani ng unang puwesto sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya sa tulong ni Gng. Ludilyn D. Sabate. Si Joebbie Krizel Gaugano naman ang nanguna sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita sa paggabay ni Gng. Myra R. Jaime. Sa Pagsasahimpapawid ng Balita at Pagsulat ng Iskrip, nakamit ni Marco Mallorca ang ikalawang puwesto bilang Best Anchor sa tulong nina G. Randie Pimentel at Gng. Myra Jaime. Kasama niya sina Ayesha Salazar, Fhel Sumodlayon, Matthew Perez, Anikka Factor, James Lusuegro, at Johnella Garcia sa ikatlong puwesto sa Best Technical Application.
Nagpakitang-gilas din ang parehong grupo sa Pagsasahimpapawid sa Radyo at Pagsulat ng Iskrip, at sa Collaborative Desktop Publishing Filipino. Pinatunayan naman nina Ashley Tuazon, Ma. Jhoanna Muega, Recca Imperial, Shan Galura, at Rhian Belarde ang kanilang husay sa Online Publishing – Filipino, kung saan nakamit nila ang ikalawang puwesto.
Sa kabuuan, umani ng iba’t ibang karangalan ang Ang Liwanag, patunay sa talento at dedikasyon ng mga estudyante at sa mahusay na paggabay ng kanilang mga guro. Ang kanilang tagumpay ay inspirasyon para sa mas mataas na antas ng campus journalism sa hinaharap.


























