: Zacharie Macalalad
: Ashley Ballesteros

Itinanghal si Bb. Aizah C. Agub-Ariz, Teacher III ng Pasay City National Science High School, bilang Most Outstanding Robotics Coach of the Year 2024 ng Erovoutika, kumpanyang nakatuon sa robotics.

Gaganapin ang seremonya ng parangal sa ika-14 at ika-17 ng Enero 2026, sa Birla Institute of Technology & Science, Pilani – Dubai Campus.

Matatandaang siya ang naging tagapagsanay ng mga mag-aaral ng PaSci na lumahok sa Robolution 2024, kung saan nakamit nila ang iba’t ibang karangalan.

Pagbati, Bb. Agub-Ariz! Ang iyong dedikasyon at husay ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bagong henerasyon ng mga iskolar at innovator.

Para sa opisyal na anunsyo ng pagkapanalo, mangyaring buksan ang link:

https://www.facebook.com/share/p/1F2q2CS24M/