Isinulat ni: Gng. Myra R. Jaime, Guro sa Filipino, JHS
Larawan ni: G. Jesus B. Valencia Jr., Pangulo, NCRSSPAA Inc
Nag-uwi ng karangalan si Angelleanne G. Marfa, kinatawan ng National Capital Region mula sa Pasay City National Science High School, Dibisyon ng Pasay City nang masungkit niya ang Ikalimang Pwesto sa Pagsulat ng Editoryal sa katatapos lamang na 2024 National Schools Press Conference na ginanap sa Carcar Gym, Carcar City, Cebu.
Ibinahagi ni Marfa ang kaniyang karanasan sa pamamahayag, “Akala ko too good to be true yung NSPC dream ko, kaya yung hope at prayer ko lang palagi ay magawa ko yung best ko, may award man o wala”. Nagsimula ang kanyang pagsabak sa mundo ng pamamayahag noong siya ay nasa ikalimang baitang pa lamang, dito ay nakamit niya ang ika-11 pwesto sa larangan ng Pagsulat ng Editoryal. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang paglalakbay sa pamamahayag naging ikapitong pwesto-ikalimang pwesto, sumunod ikaapat- ikalawang pwesto hanggang makamit niya ang Unang Pwesto sa Regional Schools Press Conference 2024 na naging daan upang maging kinatawan ng NCR sa NSPC 2024.
Nagpasalamat ang nasabing mag-aaral sa patnubay ng kanyang mga naging tagapagsanay mula sa elementarya hanggang sa kanyang tagapagsanay sa Senior High School na si Gng. Myra R. Jaime, katuwang sina G. Mark Reniel L. Balolo, G. Randie D. Pimentel at Gng. Jackyline T. Lagaña gayundin sa walang sawang suporta ng dating punongguro ng paaralan na si G. Rouell A. Santero, Dr. Mark Anthony F. Familaran kasalukuyang punongguro katuwang ang administration staff, SPTA, at buong Schools Division of Pasay at Local Government Unit ng Pasay City.
Buong pusong ipinaabot ng buong komunidad ng PCNSciHS ang kanilang suporta kay Angelleanne sa pamamagitan ng mainit na pagbati dahil sa kanyang ipinakitang dedikasyon, determinasyon at husay upang maiuwi ang nasabing parangal. Inaasahan din na magsisilbing inspirasyon ang kanyang naging karanasan at tagumpay upang maging responsableng mamamahayag.