| Jane Ashley Tuazon
| SDO Pasay City Delegates
Isinagawa ang Learners’ Convergence 2025, na dinaluhan ng ilang mga mag-aaral na bahagi ng Division Federation of Supreme Student Government, sa Dumaguete City noong ika-26 hanggang ika-31 ng Oktubre.
Inorganisa ng Department of Education (DepEd) Philippines ang Learners’ Convergence o LearnCon, na nilahukan ng mga youth leaders, partikular na mga Supreme Student Government presidents, pati na rin ng iba pang mga kinatawan mula sa mga division federation.
Layunin ng LearnCon na pagtipunin ang mga mag-aaral upang pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng kanilang mga komunidad at makabuo ng mga posibleng solusyon at polisiya.
Iba’t ibang thematic sessions ang isinagawa sa pagtitipong ito upang tutukan ang mahahalagang aspeto ng lipunan tulad ng leadership, governance, at community development.
Sa bawat sesyon, isang kinatawan mula sa bawat dibisyon ang lumahok upang makipagpalitan ng kaalaman at karanasan kasama ang mga delegado mula sa ibang rehiyon.
Ayon sa kinatawan ng Pasay City National Science High School na si Filha Ray Penelope Bautista, “This LCPH has not only taught me that I am responsible and capable of action, but it also made me realize that I am surrounded by fellow young leaders who share the same passion for change, service, and leadership—individuals who inspire me to continue striving for growth and to make meaningful contributions to our community. I will make sure that the learnings I gained will not only stop in Dumaguete City but will continue to grow and be shared with others in my community.”
![]() |
![]() |
![]() |






