| Ghea Nadera
| Vic Molina

    May be an image of one or more people, tree and text

Ipinagdiwang ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) ang ika-85 anibersaryo nito kasabay ng Girl Scout Week 2025 sa pamamagitan ng isang makabuluhang pagtitipon na tinawag na “Long Green Line” na ginanap sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Maynila nitong ika-12 ng Oktubre ng 2025, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
 
Dumalo sa nasabing aktibidad sina Scout Vic Princess Molina, Scout Camille Samarita, Scout Darleene Anaviso, Scout Sabrina Resoles, Scout Danelle Bueno, at Scout Francesca Vidal, kasama ang kanilang mga troop leader na sina Gng. Jomarie D. Hachazo at Gng. Ruwena Cascayan.
 
Layunin ng kaganapang ito na ipakita ang patuloy na pamana ng kilusan sa paghubog ng mga kabataang babae tungo sa pagiging matatag, may malasakit, at may kakayahang mamuno na may temang “Once a Girl Scout, Always a Girl Scout”.
 
Itinampok dito ang Long Green Line, isang makasaysayang pormasyon ng mga Girl Scout na sumisimbolo sa pagpapatuloy, lakas, at diwa ng pagkakaisa ng kilusan sa paglipas ng panahon.
 
Inihanda upang ipakita ang pagkamalikhain, pagkakaisa, at katapatan ng mga Girl Scouts sa kanilang Girl Scout Promise at Law ang iba’t ibang booths, pagtatanghal, at paligsahan.

 

May be an image of one or more people, people smiling and text May be an image of one or more people and text