Written by: Elyzza Esteban & Marco Mallorca
Nagkamit ng iba’t ibang karangalan ang Pasay City National Science High School (PCNSciHS) sa Division Festival of Talents (DFOT) 2026 na may temang “Empowering the Youth: Unleashing Potentials in Creative Industries in the Era of Artificial Intelligence (AI),” na ginanap sa Jose Rizal Elementary School mula Enero 14 hanggang 16.
Pinagsama-sama ng taunang pagdiriwang ang mga paaralan sa buong lungsod ng Pasay upang kilalanin ang husay, talento, at pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan at asignatura.
Sa ginanap na closing ceremony noong Enero 16, tumanggap ang PCNSciHS ng Certificate of Recognition bilang isa sa mga Host School ng STEMAZING Competition, para sa Elementarya (Key Stage 2) at Sekondarya (Key Stages 3–4) sa larangan ng Agham at Sipnayan.
Bukod dito, nag-uwi rin ng mga parangal ang mga mag-aaral ng PCNSciHS sa iba’t ibang kategorya:
-
STEMAZING – 1st Place: Rafael Simon Villon, Stephen Blaize Gabor, Rhian Jennica Franco
(Coach: Bb. Maria Theresa Estilong) -
Araling Panlipunan Pop Quiz Bee – 1st Place: John Roy Benzon
(Coach: G. Marlon Palaganas) -
Lingo Star Quest (Foreign Language Exposition) – 2nd Place: Andrea D. Comandante
-
Lingo Star Quest (Foreign Language Composition) – 3rd Place: Lance T. Acosta
(Coach: Bb. Jedemae Costillas) -
Advocacy Pitch – 4th Place: Martha Ysabella Clave, Alexandra Del Villar
(Coach: G. Mark Reniel Balolo) -
Speak-Up Impromptu Speech – 4th Place: Marco Mallorca
(Coach: Bb. Maria Luz Rogacion) -
Sinemunti – 5th Place, Best Screenplay, Best Story:
Remmy Parcia, Stacie Catallo, Elyzza Esteban, Neil Josh Icaro, Gabriel Samulde
(Coach: Gng. Charlene Otazu)
Ang mga nagkamit ng unang gantimpala sa kani-kanilang kategorya ay inaasahang sasabak sa Regional Festival of Talents (RFOT) 2026, na gaganapin din sa Lungsod ng Pasay, upang muling ipakita ang husay at kahusayan ng mga Pascians sa mas mataas na antas.




















