PCNSciHS, wagi sa RSTF 2025

| Adrian Banaag Isinagawa ang seremonya ng parangal para sa mga nagwaging dibisyon sa Regional Science and Technology Fair (RSTF) 2025, na may temang “Harnessing the Unknown: Powering the Future Through Science and Innovation” sa Alejandro Albert Elementary School, Manila nitong ikawalo ng Nobyembre.   Dinaluhan ito nina, Gng. Shannen Dorothy Gomez, tagapagsanay ng baitang 11, Bb. Shiella Mae Narzoles, tagapagsanay ng baitang 10, at Gng. Rosalida Sinsuan, puno ng Kagawaran ng Agham.   Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga salitang-aral ni Dr. Ronald Vincent Salva, Public Schools District Supervisor at OIC ng Office of Curriculum Implementation Division.   “These medals are not called metal; they are forged stars you have reached from the furnace of effort. One promise that your breakthrough today, that one day, it can light a thousand homes, heal a wounded reef, or cold algorithm that freezes a hungry child. Every prototype you cradled here is a bridge you are building between dream and various cities, between laboratory and legacy to the teachers, coaches, supervisors, and organizers,” ani Dr. Salva.   Unang ginawaran ng parangal ang mga Partners, Top 5 Best Shoutout, Top 5 Best Poster, at Best Display Board kung saan nasungkit ng Lungsod ng Pasay ang ikaapat na pwesto sa best display board sa SIE Team Category, Physical Science Individual Category, Life Science Team Category, at RIM Team Category.   Sinundan nito ng RSTF Challenge na pinangunahan ni Bb. Micah G. Pacheco, OIC-Chief of Curriculum and Learning Management Division.   “Go forth and continue to harness the unknown, be the power that fuels progress, be the generation that turns challenges into opportunities, and knowledge into solutions. Let your passion for science, mathematics, and innovations light the way toward a warm, resilient, sustainable, and empowered future for all. The 2025 RSTF concludes, but your journey as a young Filipino innovator has just begun,” ani Bb. Pacheco.   Matapos nito ay iginawad ang Minor Awards, Top 5 Lourdes Choice Awards, at ang Best Presenters kung saan muling nagwagi ang Lungsod ng Pasay sa kategorya ng Life Science Individual at Physical Science Individual.   Binigyang parangal din ang Top 5 Winners per Category.   Narito ang mga kalahok ng PCNSciHS at ang kanilang mga parangal: LIFE SCIENCE INDIVIDUAL CATEGORY Christine Fernandez (Tagapagsanay: Gng. Shannen Dorothy Gomez) – Best Presenter   LIFE SCIENCE TEAM CATEGORY Rolando Teves, David James Flores, Khirstin Mikee Baraan (Tagapagsanay: Bb. Shiella Mae Narzoles) – 4th Place Best Display Board – 2nd Place Best Project   PHYSICAL SCIENCE INDIVIDUAL CATEGORY Gillian Viterbo (Tagapagsanay: Gng. Shannen Dorothy Gomez) – 4th Place Best Display Board – Best Presenter – 1st Place Best Project   ROBOTICS AND INTELLIGENT MACHINE TEAM CATEGORY Steven Caleb Caibigan, Gian Marco Sumalde, Gabe Leurlee Jacieynth Sicat (Tagapagsanay: Gng. Shannen Dorothy Gomez) – 2nd Place Best Display Board   STEMIE INDIVIDUAL CATEGORY Cassandra Felicia Fallena (Tagapagsanay: Bb. Shiella Mae Narzoles)   “Matagumpay at kapana-nabik ang Regional Science and Technology Fair para sa akin ngayong taon na pinamunuan ng SDO Manila. Kitang-kita ang husay at galing ng mga kalahok sa iba’t ibang Research Categories na siya namang inabangan ng lahat at hindi maitatanggi na hindi nagpahuli sa husay at galing ang mga representative ng Pasay. Napakaganda ng naging resulta ng kompetisyon dahil bawat lungsod ay nagkaroon ng karangalan sa iba’t ibang klase ng awards. Nanalo ng Best Project Board, Best Presenter at Best Projects ang mga student researchers ng PCNSciHS. Nagpapasalamat ako nang lubos sa Panginoon sa mga karangalan na natanggap ng mga student researchers. Hindi ito magiging posible kung walang suporta galing sa kanilang mga magulang, school admin headed by Dr. Mark Anthony Familaran, school faculty lalo na ang Science Department headed by Mrs. Rosalida Sinsuan, pati na rin ang community researchers ng Pasay City National Science High School.” ani Gng. Gomez, tagapagsanay.   “Siguro for this years RSTF, mas konti yung participants natin from the school kaya mas naka focus, and masasabi ko na medyo maganda naman at mas nahigitan natin yung mga awards na nakuha natin last year. Speaking of last year’s awards, mas maganda yung results natin ngayon, mas mataas at mas maraming bagong awards tayong natanggap na hindi naman natin naaabot o nakukuha from the past RSTF. Overall, masaya at puno ng panibagong aral at kwento ang RSTF ngayong taon.” ani Bb. Narzoles, tagapagsanay.

PaScians, nagpakitang-gilas sa SHS Statistics Quiz Bee

| Alaiza Eunice S. Cruz| Gng. Abegail Villanueva| Ayesha Salazar Nagpamalas ng kahusayan ang mga mag-aaral ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) sa Senior High School Statistics Quiz Bee na inorganisa ng City Planning and Development Office (CPDO) ng Pasay City na may temang “Excel, Measure, Infer: Battle of the Young Statisticians 2025” na ginanap sa Selah Pods Hotel Manila, Pasay City ngayong ika-29 ng Oktubre.   Lumaban ang 25 paaralan mula sa lungsod kung saan 10 koponan ang nakapasok sa Semi-Final at Final Rounds matapos ang Elimination Round.   Nakamit ng PCNSciHS Team A na binubuo nina Joebbie Krizel V. Gaugano, Julie Mael M. Dimla, at Sofia Michiko L. Yamamoto ang kampeonato na may kabuuang puntos na 76, habang sinundan ito ng PCNSciHS Team B na kinabibilangan nina Julie Anne H. Gatmin, Neil Josh D. Icaro, at Beia Loreez M. Rafanan na nagtala ng 71 puntos, sa pagsasanay ni Gng. Abegail Villanueva.   Sumunod naman sa ikatlo hanggang ikalimang pwesto ang San Juan De Dios Educational Foundation, Inc. College, National University–Mall of Asia, at Manila Tytana Colleges.   Ipinahayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa isang post na layunin ng aktibidad na palalimin ang pag-unawa ng mga kabataang Pasayeño sa estadistika bilang isang mahalagang kasangkapan sa paggawa ng desisyon at pagpapaunlad ng lipunan.   Ibinahagi naman ni Sofia Michiko Yamamoto na bagama’t hindi naging madali ang kompetisyon, naghatid ito ng mga panibagong kaalaman at karanasang kanilang babaunin sa hinaharap.   Hinimok din niya ang mga kabataang nagnanais magtagumpay sa larangan ng estadistika na huwag sumuko sa hamon ng mga numero sapagkat ito ang magbubukas ng pinto tungo sa mas malalim na pag-unawa sa mundo.   #YoungStatistician2025 #HusayNgPaSci    

PaScians, nagwagi sa Thailand International Mathematical Olympiad – Heat Round 2025

| Juan Ian Antonio Cabingue| Czyrish Conanan| Ashley Ballesteros Nakamit at nagtagumpay ang mga mag-aaral mula Pasay City National Science High School (PCNSciHS) sa ginanap na Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) – Heat Round nitong ika-19 ng Oktubre gamit ang online na plataporma.   Inilabas ang opisyal na resulta noong Oktubre 23, 2025 sa pamamagitan ng Facebook post at Google Drive link na binubuo ng mga libo-libong estudyanteng Pilipino mula Kindergarten hanggang Senior Highschool. Kabilang dito ang mga mag-aaral ng PCNSciHS, na nagwagi sa patimpalak.   Nasungkit ni Ivan Ray Timothy Bautista ang gintong medalya sa Grade 7 category. Samantala sa Grade 9 category, nakamit ni Orange Zyrille Alcaraz ang gintong medalya at ni Tristan Johann Bautista ang medalyang pilak. Sa larangan naman ng Senior High School category, natamo ni Filha Ray Penelope Bautista ng ika-12 baitang ang gintong medalya.   Nagpakita sila ng isang lohikal na pag-iisip, malikhaing pag-iisip sa problem solving, at interes sa larangan ng Sipnayan. Ang kanilang mga nagawa ay nagbigay inspirasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral at ipinakita rin dito ang potensyal na pag-abot nila sa pamantayan ng Thailand at ang kanilang kahusayan sa asignaturang Matematika.   Ang Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) ay kinikilala bilang isang pandaigdigang paligsahan na may layuning paunlarin ang malikhaing pag-iisip, palakasin ang kanilang kasanayan sa kompyutasyon, at mas lalong payabungin ang interes ng bawat mag-aaral sa larangan ng Sipnayan.   Naipakita ng mga estudyanteng Pilipino ang kanilang kahusayan sa Matematika sa internasyunal na level sa tulong ng virtual na plataporma.   Nagtagumpay ang mga mag-aaral ng PCNSciHS sa kompetisyong ito sa gabay at tulong ng kanilang mga tagapagsanay na sina G. John Bryan P. Pacris, Gng. Chiradee O. Javiniar at Bb. Rexielle Joy V. Villareal. Inorganisa ito ng Math Olympiads Training League Inc. (MOTLI) na may motto na “Create the genius in each child ” at may layuning mas paunlarin pa ang mga talento ng mga kabataang Pinoy sa asignaturang Matematika.  

PaScians, Wagi sa 2025 Division Science and Technology Fair

| Ayesha Ehris Salazar| Dexter Ogale, Gabrielle Ayesha Nicolas, Aliyah Lopez Itinanghal na Overall Best Performing School ang Pasay City National Science High School (PCNSciHS) sa 2025 Division Science and Technology Fair na ginanap noong Oktubre 16, 2025 sa Pasay City South High School na may temang “Harnessing the Unknown: Powering the Future Through Science and Innovation.”   Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral ng PCNSciHS sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng Sci-Quiz, Poster Making, Science Tricks, Science Warriors, Research Festival, at Robotics Competition, na nagresulta sa kabuuang 109 puntos at pagkapanalo bilang Best Performing School.   Nasungkit naman ng Pasay City West High School ang 1st Runner Up na may 80 puntos, habang Pasay City South High School naman ang 2nd Runner Up na may 63 puntos.   Dinaluhan ang patimpalak ng mga mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya ng Dibisyon ng Pasay kasama ang kanilang mga magulang, guro, at punongguro.   Dumalo rin sa nasabing programa ang mga opisyal ng DepEd Pasay, dating Konsehal Joey Calixto Isidro, at Kongresista Antonino Calixto bilang suporta sa mga kalahok at sa layuning paunlarin ang agham at teknolohiya sa lungsod.

GSP, Ipinagdiwang ang Ika-85 Anibersaryo sa “Long Green Line”

| Ghea Nadera| Vic Molina     Ipinagdiwang ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) ang ika-85 anibersaryo nito kasabay ng Girl Scout Week 2025 sa pamamagitan ng isang makabuluhang pagtitipon na tinawag na “Long Green Line” na ginanap sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Maynila nitong ika-12 ng Oktubre ng 2025, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.   Dumalo sa nasabing aktibidad sina Scout Vic Princess Molina, Scout Camille Samarita, Scout Darleene Anaviso, Scout Sabrina Resoles, Scout Danelle Bueno, at Scout Francesca Vidal, kasama ang kanilang mga troop leader na sina Gng. Jomarie D. Hachazo at Gng. Ruwena Cascayan.   Layunin ng kaganapang ito na ipakita ang patuloy na pamana ng kilusan sa paghubog ng mga kabataang babae tungo sa pagiging matatag, may malasakit, at may kakayahang mamuno na may temang “Once a Girl Scout, Always a Girl Scout”.   Itinampok dito ang Long Green Line, isang makasaysayang pormasyon ng mga Girl Scout na sumisimbolo sa pagpapatuloy, lakas, at diwa ng pagkakaisa ng kilusan sa paglipas ng panahon.   Inihanda upang ipakita ang pagkamalikhain, pagkakaisa, at katapatan ng mga Girl Scouts sa kanilang Girl Scout Promise at Law ang iba’t ibang booths, pagtatanghal, at paligsahan.    

PaSci Ensures Safety Amidst Influenza Outbreak

via Elyzza Esteban | The QuantumPhotos by: Non-Teaching Personnel of PCNSciHS In line with the Health Break declared by the Department of Education–National Capital Region (DepEd-NCR) for October 13–14, Pasay City National Science High School has conducted a comprehensive cleaning and sanitation of classrooms as part of its precautionary measures against the ongoing influenza outbreak.   The Health Break, announced by Dr. Jocelyn D.R. Andaya, aims to address health and safety concerns brought about by the spread of influenza and the recent series of earthquakes. This initiative seeks to ensure both the cleanliness of learning spaces and the structural integrity of school facilities, prioritizing the well-being and safety of students and staff.

PaScians, tagumpay sa Australian Math Competition

Isinulat ni: Jane Ashley TuazonLitrato ikinuha ni: Ashley Ballesteros Inilabas ang resulta nitong Oktubre 7, 2025 ng mahigit isang libong estudyanteng Pilipino, kabilang ang mga mag-aaral ng Pasay City National Science High School na nagkamit ng iba’t ibang karangalan sa 2025 Australian Mathematics Competition na ginanap onsite nitong Agosto 9, 2025. Kabilang ang mga PaScians na sina Tristan Johann Bautista at Cesar IV Evangelista ng ika-9 na Baitang sa nagtamo ng Proficiency Awards sa paligsahang ito. Ipinapakita ng pagkilalang ito na naabot nila ang pamantayan ng Australia sa pagsusuri ng kasanayan sa problem solving at lohikal na pag-iisip sa Matematika, at nagsisilbing patunay ng kanilang sapat na kahusayan sa asignaturang ito. Kinikilalang isang pandaigdigang paligsahan ang Australian Mathematics Competition (AMC) na may layong sukatin ang husay ng mga estudyante sa problem-solving at lohikal na pag-iisip. Naipamalas sa taong ito, ng maraming kabataang Pilipino ang kanilang kakayahan sa international level sa tulong ng virtual na plataporma. Nagtagumpay ang mga mag-aaral sa tulong ng kanilang gurong tagapagsanay na si G. Oscar Deo L. Dacuba.

PaScians, tagumpay sa Australian Math Competition

| Jane Ashley Tuazon| Ashley Ballesteros Inilabas ang resulta nitong Oktubre 7, 2025 ng mahigit isang libong estudyanteng Pilipino, kabilang ang mga mag-aaral ng Pasay City National Science High School na nagkamit ng iba’t ibang karangalan sa 2025 Australian Mathematics Competition na ginanap onsite nitong Agosto 9, 2025.   Kabilang ang mga PaScians na sina Tristan Johann Bautista at Cesar IV Evangelista ng ika-9 na Baitang sa nagtamo ng Proficiency Awards sa paligsahang ito.   Ipinapakita ng pagkilalang ito na naabot nila ang pamantayan ng Australia sa pagsusuri ng kasanayan sa problem solving at lohikal na pag-iisip sa Matematika, at nagsisilbing patunay ng kanilang sapat na kahusayan sa asignaturang ito.   Kinikilalang isang pandaigdigang paligsahan ang Australian Mathematics Competition (AMC) na may layong sukatin ang husay ng mga estudyante sa problem-solving at lohikal na pag-iisip.   Naipamalas sa taong ito, ng maraming kabataang Pilipino ang kanilang kakayahan sa international level sa tulong ng virtual na plataporma.   Nagtagumpay ang mga mag-aaral sa tulong ng kanilang gurong tagapagsanay na si G. Oscar Deo L. Dacuba.  

PCNSciHS celebrates Teachers’ Month ‘25

via Emmanuel Salazar | The Quantum Copyedited by: Christian Dave Tabada Photos by: Pearl Beleña, Dexter Ogale, Ryza Sophia Anabo, Aliyah Lopez, Santine Mauritius Susa, Gabrielle Ayesha Nicolas, Elyzza Esteban, Kylie Jerrilyn Ronquillo Pasay City National Science High School launched the celebration of National Teachers’ Month with a Eucharistic Mass and tribute program at the school gymnasium on September 5, 2025, to honor its teachers and staff. The celebration began with a mass gathering of students, faculty, and school personnel, followed by a short break. The Teachers’ Month celebration themed: “Legends of Knowledge: A Voyage to Celebrate the Great Wonders of Education,” was led by the Supreme Secondary Learners’ Government (SSLG) and the School Parent-Teacher Association (SPTA). The program opened with the entrance of teachers from various faculties, showcasing their pirate-themed outfits. The preliminaries were led by the Pascian Glee Club, followed by the opening remarks of Mrs. Sara Jane Delos Santos, Assistant Principal II and an inspirational message delivered by Dr. Mark Anthony Familaran, School Principal II. An intermission number was performed by Mr. Norberto Barnuevo, followed by the first game, Chair Relay, which was participated in by teachers and staff from different faculties. Le Compendium performed the second intermission, after which the second game, Picture Perfect, was held. Certificates were awarded to the administration, teaching personnel, winners of each game, and runners-up for best dressed, with Mr. Marlon Palaganas winning first place. Mrs. Jackyline Lagaña, Faculty and Employees Association (FEA) president and English Department Head Teacher III, gave her closing remarks, expressing gratitude for the teachers’ dedication.

“Bagyo ka lang, Pilipino kami.”

Written by: Elyzza Esteban, Nikita Xyzelle Pariña, and Danella De VeraPublication by: Elyzza Esteban This powerful statement captures the spirit of Filipino resilience in the face of crisis. As Filipinos, we are known for our unwavering optimism—even in the midst of storms, both literal and metaphorical. But as we continue to rise after every fall, we must also ask: When does resilience become silence? At what point should we look beyond blind optimism and begin confronting the deeper, systemic roots of the challenges we face? True strength lies not only in enduring hardships but also in questioning why they persist—and in working together to create lasting change. References: “Government Released Nearly ₱23 Billion for Managing Disaster Risks.” BusinessMirror, 15 Jan. 2025, https://businessmirror.com.ph/…/government-released…/.”DPWH to Implement over 5K Flood Control Projects.” Philippine Communications Office, https://pco.gov.ph/…/dpwh-to-implement-over-5k-flood…/. Accessed 24 July 2025.”10 Ways to Prevent Flooding.” Orange County Water Atlas, https://orange.wateratlas.usf.edu/…/10WaysToPreventFloo…. Accessed 24 July 2025.