Photos: Daniel Quintin To celebrate and bless the graduation and moving-up ceremonies of Grades 10 and 12 students from Pasay City National Science High School, a baccalaureate mass was held at the San Roque Parish last Friday, April 4, 2025. The event served as a moment of reflection, gratitude, and spiritual preparation for the students as they marked the end of one chapter and the beginning of another in their academic journeys. Parents, while not required to attend, were strongly encouraged to join and share in this solemn occasion.

Pasay City National Science High School at PUP – College of Science, Lumagda sa Kasunduan para sa Work Immersion ng mga Mag-aaral sa Senior High
Mga mamamahayag: Ayesha Salazar at Mervyn Valdez Opisyal nang nilagdaan ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) – College of Science ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na nakatuon sa programa ng Work Immersion para sa mga mag-aaral ng Senior High School ngayong ika-3 ng Abril sa Dr. Mateo Conference Room ng PUP Sta. Mesa. Pinangunahan ng punongguro ng PCNSciHS na si Dr. Mark Anthony Familaran at ni Dr. Lourdes Alvarez, Dekano ng PUP – College of Science, ang pirmahan ng kasunduan. Dumalo rin sa nasabing seremonya ang ilang opisyal at kinatawan mula sa parehong institusyon, kabilang sina Gng. Sarah Jane de los Santos, Gng. Rosalida Sinsuan, Gng. Arlene Esber, G. Emerson Constantino, G. Christian Jayvon Laluna, Sofia Michiko Yamamoto, at Filha Ray Penelope Bautista, kasama ang mga guro mula sa Kolehiyo ng Agham ng PUP. Nakasaad sa kasunduan ang mga layunin at responsibilidad ng dalawang panig upang mapalawak ang mga oportunidad sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Senior High School, lalo na sa larangan ng Agham. Bukod dito, tinalakay rin sa pagpupulong ang mga posibleng susunod na hakbang sa pakikipagtulungan ng dalawang institusyon, partikular sa larangan ng Nutrition and Dietetics at sa programang BIOEXCEL: Engaging High School Students in Experimental Biology and Scientific Research Writing.

the Polytechnic University of the Philippines and Pasay City National Science High School signed a Memorandum of Agreement (MOA)
In an era where education extends beyond the classroom, the Polytechnic University of the Philippines and Pasay City National Science High School have taken a bold step forward. Today, April 3, both institutions formally signed a Memorandum of Agreement (MOA) at Dr. Mateo Conference Room, PUP Sta. Mesa to provide students with immersive learning experiences, career-aligned training, and industry-ready skills. This significant event brought together key representatives from both institutions. From PUP, the signatories included Dr. Lourdes V. Alvarez, Dean of the College of Science, and Ms. Carmelita P. Mapanao, Chairperson of the Department of Biology and Lab Head-Main. Representing the school were Dr. Mark Anthony Familaran, Principal, Assistant Principal Mrs. Sarah Jane De los Santos, and department heads from Mathematics and Science, Mrs. Arlyn Esber and Mrs. Rosalida Sinsuan, along with school governance representative Mr. Emerson Constantino, and Special Science teacher Mr. Christian Jayvon Laluna. Student leaders also took part in the ceremony, including outgoing Supreme Student Government (SSLG) President Michiko Yamamoto, incoming SSLG President Filha Ray Penelope Bautista, and representatives from The Quantum and Ang Liwanag, the school’s official publications. At its core, the MOA is designed to: Expand learning opportunities by integrating both soft and technical skills into student training. Develop work immersion programs that align with students’ career tracks. Enhance collaboration and resource-sharing between the institutions. Uphold child protection policies to ensure a safe and conducive learning environment. Both parties have pledged to: Establish a Joint Steering Committee to oversee the program. Create structured work immersion modules and schedules for students. Ensure proper student placement, mentoring, and evaluation. Exercise care in using laboratory, gym, and library facilities. Foster open communication channels for seamless coordination.

Memorandum of Agreement
Correspondent: Xyrel James Canonoy Following the Memorandum of Agreement signing, Pasay City National Science High School representatives and student leaders are currently touring the Polytechnic University of the Philippines College of Science laboratories and research facilities.

Buwan ng Kababaihan, ginanap sa PCNSciHS
Isinulat ni Jashley DamasoIwinasto ni Joebbie Krizel GauganoMga larawan nina Derick Sistoso at Chainne GuevarraSinuri ni Gng. Myra R. Jaime Nagtapos nang matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na ginanap sa gymnasium ng Pasay City National Science High School ngayong ika-31 ng Marso na dinaluhan ng lahat ng mag-aaral. Pormal na sinimulan ang programa sa pagpupugay sa pambansang awit na sinundan ng panalangin at himno ng Lungsod ng Pasay. Ang mga kanta at panalangin ay binigyang salin sa sign language nila Gillian Viterbo at Rheneoah Guerrero mula sa ika-10 baitang. Nagpatuloy ang programa sa pagrampa ng mga kababaihang mag-aaral na kumakatawan sa iba’t ibang larangan ng mga kababaihan gaya ng kababaihan sa STEM at makinarya, agrikultura at pangingisda, edukasyon, at pulitika. Sinundan ito ng Quiz Bee na nilahukan ng mga piling mag-aaral sa bawat baitang. Dumaloy ang programa sa pagkilala, pagbibigay sertipiko at mga medalya sa mga nagwagi sa bawat kompetisyon ng buwan ng mga kababaihan. Ipinahayag nina Arkin Espeso at Yelena Fabricante ang mga nagwagi sa bawat kompetisyon na pinarangalan ng punongguro ng paaralan na si Dr. Mark Anthony Familaran, katuwang na punongguro ng paaralan na si Gng. Sara Jane Delos Santos, at ang Pinuno ng Kagawaran ng AP/ESP na si G. Emerson Constantino. Isinagawa ang isang panunumpa ng pangako na nilahukan ng mga kinatawan ng bawat organisasyon ng paaralan na pinangunahan ni Arkin Espeso. Nagtanghal naman ng isang awitin na pinamagatang “Liwanag sa Dilim” si Althea Ventura, gayundin sina Eve, Althea, Orange, at Jessica, mula sa ika-8 baitang at Mekylla Villapaña ng Le Compendium. Inihatid ni Gng. Rebecca O. Esguerra, GAD focal person, ang pangwakas na pananalita upang wakasan ang programa at magbigay souvenir sa mga kaguruan. Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng isang awit na nagbigay pagkakaisa, pagtaas ng tinig ng bawat isa, at pagpapalakas sa bawat isa. Naging matagumpay ang programang ito sa tulong ng iba’t ibang organisasyon ng paaralan tulad ng: SSLG, Ang Liwanag, The Quantum, Glee Club, BAYANI, GSP at BSP, Le Compendium, Kalakbay, at Prisma.

Basta Pasayeño, Numero Uno!
Caption: Sofia Michiko YamamotoPictures: Mr. Maverick Kevin P. Tuddao and Mr. Cedrick Dy | SDO Pasay, Hailey Rato and Dexter Ogale of Ang Libay | Pasay City East High School ASMAE Philippines, in partnership with the Division of City Schools, Pasay, organized a 3-day Capacity Building on Youth Agency Formation from March 20 to 22, 2025 at Ciudad Christhia 9 Waves Resort, San Mateo, Rizal. The capacity building encompassed subjects such as Leadership Skills Development, Gender Sensitivity Training, Gender-Based Violence, Adolescent Sexual and Reproductive Health and Rights, and Planning Advocacy Campaigns. Our very own Outgoing SSLG President and DFSSLG Secretary Sofia Michiko L. Yamamoto, Incoming SSLG President and DFSSLG Secretary Filha Ray Penelope J. Bautista, and Incoming SSLG Secretary Stacie Marie R. Catallo represented Pasay City National Science High School in this 3-day initiative. In addition to the incredible bonds formed with fellow Pasayeño student leaders over the course of this event , the participants gained useful knowledge that they’ll surely put to use as they continue their leadership journey. We can’t wait to see what the future holds for these leaders, may you continue to serve your communities to the best of your abilities!

Open House 2025 kicks off
By: Emmanuel Salazar Photos: Jed Palonpon, Van Jensen Lee Pasay City National Science High School officially launched Open House 2025 on March 24, a two-day event aimed at giving Grade 12 students hands-on experience in entrepreneurship. The event will run until today, March 25. Led by organizers Xyrel James Canonoy, Zyriel Josh Coronel, Shaun Mustang Jacinto, and Entrepreneurship adviser Maria Luz Rogacion, the event transforms the school grounds into a marketplace with booths showcasing various entrepreneurial ideas, talents, and specialties lining the area, offering tutoring services, snacks, clothes, photo booths, and souvenir items. “It was a nice experience kahit hindi ko nabisita lahat ng booths sa dami nila. Kitang kita mo yung dedication and determination ng kada booth na mag-serve sa customers nila na nagiging basehan ng capabilities nila bilang isang entrepreneur. Naubos yung pera ko pero masasabi ko namang worth it,” said Simon Mchale Mayrina, a Grade 7 student, sharing his experience. The event allows Grade 12 students to put their knowledge into practice by creating and managing their own businesses, from marketing to selling products. It also serves as a platform to develop essential business skills such as customer interaction, promotion, and money handling. “As we start the event, ngayon pa lang, we recognize the hard work behind every venture and hope this experience inspires them to pursue greater entrepreneurial endeavors in the future,” said Xyrel Canonoy, acknowledging the effort of booth facilitators.

Paggawad ng Parangal sa JBL Scientific Research Symposium, Isinagawa
Isinulat ni Zacharie MacalaladSinuri ni Gng. Myra JaimeMga larawan ni Chainne Guevarra Idinaos ang seremonya ng paggawad sa mga nangibabaw na research groups sa naganap na JBL Scientific Research Symposium sa gymnasium ng Pasay City National Science High School nitong ika-20 ng Marso. Nahati sa dalawang aktibidad ang programa, ang oral presentation at poster presentation. Inuwi nina Stephen Blaize L. Gabor, Jasmine Joy E. Ayaton, Achilles V.C. Del Rosario, Arkin Zeus C. Espeso, Ron David A. Santiago, at Samantha Nicole M. Tandingan, mga mag-aaral sa ika-10 baitang ang karangalan sa Best Oral Presentation sa pamamagitan ng kanilang research study, “In vivo Embryotoxicity of Tsaang-Gubat (Ehretia microphylla Lam.) Leaf Aqueous Extract in Zebrafish (Danio rerio) Embryonic Morphology” na may grado na 89.5. Habang nakamit naman nina Christianne Leslie P. Gabriel, Athena Tiffany O. Baldovino, Anikka Lexie R. Factor, Christine Reeze N. Fernandez, Joebbie Krizel V. Gaugano, Aliyah V. Lopez, Rianne Dane C. Lopez, at Jane Ashley A. Tuazon, mga mag-aaral sa ika-10 baitang din ang unang pwesto sa Best Poster Presentation sa pamamagitan ng kanilang research study na “Phytochemical Evaluation and Antioxidant Activity of Banuyo (Wallaceodendron celebicum) Leaf Crude Ethanolic Extract”. Sinundan ito nina Danella Jorin P. De Vera, Angelou Zharise G. Lim, Mary Saleisha E. Llaneta, Maria Ghianella M. Tuquero, at Chloe Althea R. Villaruel gamit ang kanilang study na “Pandan-Co: Thermal Insulation Potential of Pandan (Pandanus amaryllifolius) lignocellulosic fibers hybrid composites through Heat Conductivity Simulation”. Nakuha naman nina Hannah Mae dC. Basa, Recca Charize C. Imperial, at Francis Nathan D. Taburnal, mula sa ika-11 baitang ang ikatlong pwesto sa best poster presentation sa kanilang pag-aaral “A.L.A.S.S.: Astaxanthin Light-absorbing Coating from Mud Crab (Scylla serrata) Shells Against Blue and Ultraviolet (UV) Light on Acrylic Glass”. Binigyan ng medalya, sertipiko, at tropeo ang mga nabanggit na nanalo. Maliban dito, iginawad kina Precious Marlan P. Baldonaza, Raine Ashley H. David, Allan Caine Dela Cruz, Matt Romwin A. Gesu-an, Kris Matthew J. Perez, Ashley Shanelle R. Raborar, at Qhris Mnemosyne D. Roa, mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang ang JBL Scientific Award sa kanilang pag-aaral na “Corn (Zea mays) Husk Cellulose Nanofibers for Air Filtration: Development of Potential Air Filter Membrane for Efficient Filtration of Particulate Matter (PM2.5)”. Ipinagkaloob sa kanila ang P15, 000 research grant na maaari nilang magamit sa susunod na panuruang taon upang paunlarin ang kanilang pag-aaral kasama nito ay mga medalya, sertipiko, at tropeo. Ayon kay Juan Benigno A. Luarca, may-ari at tagapagtatag ng JBL Scientific, ang JBL Scientific Award ay isa sa mga karangalan na iginagawad niya ng personal, pinili ng mga hurado ang research study na may malaking kahalagahan sa lipunan kaya hatid ng JBL ang P15, 000 research grant upang palawakin ito. Sa kabuuan, 25 research studies ang lumahok sa research symposium na ito mula ikasiyam hanggang ika-11 baitang.

JBL Scientific Research Symposium, isinulong
Isinulat ni Zacharie Macalalad Sinuri ni Gng. Myra R. Jaime Larawan nina Mervyn Valdez, Chainne Guevarra, Jasmine Ayaton, Janiree Sanchez Inilunsad ang kauna-unahang research symposium ng JBL Scientific sa Pasay City National Science High School na dinaluhan ng mga mag-aaral sa ikawalo at ika-11 baitang, mga guro, at ilang mga kawani ng JBL Scientific at ng paaralan. Pormal na binuksan ni G. Mark Anthony F. Familaran, punongguro ng Pasci, ang programa sa pamamagitan ng kanyang panimulang pananalita. “To enlighten and innovate our research community,” ‘ika nga ni Dr. Familaran. Layunin ng symposium na ito na itaguyod ang pakikipagtulungan at makakuha ng tulong sa mga bagay na may kaugnayan sa larangan ng research tulad ng methodology at data analysis. Nagkaroon ng plenary talk sina Dr. Blessie A. Basilia tungkol sa scientific research paper writing; Engr. Josephine, tungkol sa pag-unawa ng mga kemikal sa research; at G. Menando Marquez tungkol sa iba’t ibang analytical techniques. Matapos nito, isinagawa sa hapon ang poster presentation ng 20 research studies mula ika-siyam na baitang hanggang ika-11 baitang sa una, ikalawa, at ikatlong palapag ng PCNSciHS. Nilibot ng mga hurado ang mga poster o project board ng research studies. Kasabay nito ang oral presentation sa gym ng limang napiling research study mula sa parehong mga baitang: Ika-siyam na baitang: Effect of Astaxanthin as an Inhibitor on UV-C light Photodegradation infused in Polystyrene (PS) matrix wastes Ika-10 baitang: In vivo Embryotoxicity of Tsaang-Gubat (Ehretia microphylla Lam.) Leaf Aqueous Extract in Zebrafish (Danio rerio) Embryonic Morphology Fungicidal Activity of Lima-lima (Heptapleurum ellipticum (Blume) Seem.) Leaves Crude Ethanolic Extract Against Aspergillus niger Ika-11 baitang: Antihyperlipidemic Potential of Corazon de Maria (Caladium bicolor) Leaves Aqueous Extract on High Cholesterol Diet-Induced Nile Tilapia (Oreochromis niloticus) PiñaGel: Morphological Analysis of Pineapple (Ananas comosus (L.) Merr) Peels Extract Crosslinked with Polyvinyl Alcohol as a Potential Hydrogel Wound Dressing Idinaos din ang question and answer portion matapos ang 10-minutong pag-uulat ng bawat grupo. “To claim is something to prove is another” sambit in Juan Benigno A. Luarca, may-ari at tagapagtatag ng JBL Scientific patungkol sa pagsasagawa ng mga research study. Naging tagapagdaloy ng palatuntunan si Bb. Maria Theresa L. Estilong, Pasay Chorale naman ang nanguna sa pag-awit sa preliminaries sa pagkumpas ni G. Napoleon A. Anteja Jr. at iba pang mga mag-aaral na naging bahagi ng programa. Nagtapos ang symposium sa paggawad ng parangal sa pinakamahusay na grupo sa poster at oral presentation at sinundan ng pangwakas na pananalita ni Gng. Sara Jane T. Delos Santos, kawaksing punongguro ng PCNSciHS.

2 Pascians sa Regional Philippine Casio Math Challenge, Nagtagumpay
Isinulat ni Zacharie Macalalad Sinuri ni Gng. Myra R. Jaime Kuha ni Bb. Marry Camile Landagan Nagwagi ang dalawang Pascians sa Regional Philippine Casio Math Challenge na ginanap sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales, lungsod ng Mandaluyong nitong ika-15 ng Marso. Natamo ni Ronan Kaiser Julian A. Castro ang Top 6 sa Dibisyon ng Senior High School habang naabot ni Cedrick James B. Ramirez ang Top 7 sa kategorya ng ikawalong baitang. Nakamit ng mga mag-aaral ang karangalang ito sa ilalim ng pagsasanay nina Bb. Rexielle Joy V. Villareal kay Castro at Gng. Abegail Aborde – Villanueva kay Ramirez