| Adrian Banaag
| Grizylle Lucinario

Nasungkit ni Gillian Viterbo ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) ang unang pwesto sa kategoryang “Physical Science Individual – Best Project” sa Regional Science and Technology Fair (RSTF) 2025 na ginanap sa Alejandro Albert Elementary School, Manila nitong ika-8 ng Nobyembre.
 
Sa gabay ng kaniyang tagapagsanay na si Gng. Shannen Dorothy Gomez, tagapagsanay ng baitang 11, nakuha rin niya ang Best Presenter at ang ikaapat na puwesto sa Best Display Board – Physical Science Individual Category.
 
“Sa totoo lang, akala ko hanggang Regionals na lang ‘yung mararating ng study na ‘to kaya nung tinawag ‘yung division natin na magre-represent sa Nationals, sobrang saya ko para sa buong Pasay Science dahil nakita ko ‘yung dedikasyon at kagustuhan ng mga tao na tumulong sa akin para ipanalo ‘to” ani Viterbo .
 
Ang kanyang pagkapanalo ang nagmarka nang muling pagbabalik ng PCNSciHS sa National Science and Technology Fair (NSTF) matapos ang tatlong taon. Huling nakamit ng PCNSciHS ang karangalang ito noong RSTF 2022, kasama sina Xyve Flores, Sherlyn Rodriguez, at Nathania Ursos, sa ilalim ng paggabay ni Gng. Johann Shaira Malicana at Gng. Anne Patricia Fontelar.
 
Dagdag pa niya, “Sa paghahanda ko sa NSTF, isa lang ‘yung dapat isaalang-alang at ‘yon ay makinig at maging open minded tayo sa mga pagkukulang, pagkakamali o mga posibleng revisions sa presentation and paper kasi ‘yon naman talaga ang susi para sa tagumpay dapat alam mong laging may room for improvement.
May be an image of lighting, speaker, dais and text May be an image of lighting, dais and text that says 'LS -INDIVIDUAL SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PASAY Pasay City National Science High School Phytochemical Evaluation and AntioxidantActivity of Banuyo (Wallaceodendron celebicum) Leaf Crude Ethanolic Extract RUTF RTF [ፍ RITF Christine Reeze N ChristineReezeN.Fer Fer Student StudentResearct Research ny Familaran EdD Principal ANG LIWANAG TWMWWW.TAIAOA TAGAPA TAGAPAHAYAGNGKATOTCH NGKATOTC ANAN TAGAHATI NG GKAMALAYAN @angliwanagpasci @iarglivanag.paacl@igmail.com'
May be an image of text May be an image of speaker, lighting and text