PaSci SPTA at BOD Officers, Idineklara

: Zacharie Macalalad: Lianne Villamena: Ashley Ballesteros Pormal nang ipinroklama ni Bb. Joanna Marie B. Luciano, kinatawan ng Board of Directors Electoral Committee (BOD ELECOM), kasama si Dr. Mark Anthony F. Familaran, Punongguro, Gng. Sara Jane de Los Santos, Kawaksing Punongguro, at Rebecca O. Esguerra, Admin Officer II ng Pasay City National Science High School, ang bagong hanay ng mga opisyal ng School Parent-Teacher Association (SPTA) at Board of Directors (BOD) para sa Taong Panuruan 2025–2026. Ginanap ang proklamasyon sa Audio-Visual Room ng paaralan noong ika-11 ng Hulyo. Bilang kinatawan ni G. Emerson T. Constantino, SPTA Focal Person, pinamunuan din ni Bb. Luciano ang isinagawang ballot voting para sa mga opisyal ng SPTA. Tanging ang posisyon ng Kalihim ang pinagbotohan mula sa hanay ng mga guro. Dumalo at nagsilbing Lupon ng Halalan ang mga guro sa Araling Panlipunan na sina Bb. Joanna Marie B. Luciano at G. Oscar Q. Adrayan Jr., guro sa ICT na si Gng. Rose Ann D. Quezon, at Guro sa Agham na si Gng. Florence E. Gacasan. Kasama rin ang mga kinatawan ng bawat antas na inihalal ng mga pangulo ng Homeroom Parent-Teacher Association (HRPTA), gayundin ang tatlong gurong tagapayo na nahirang bilang bahagi ng Board of Directors. Narito ang mga opisyal na nahalal sa SPTA: Pangulo: Jenny M. Delos Santos Pangalawang Pangulo: Noli A. Diaz Kalihim: Mary Grace T. Dela Cruz Ingat-yaman: Nenita P. Daliva Awditor: Angelyn G. Langote Samantala, ang mga bumubuo sa Board of Directors ay ang mga magulang na sina G. Raul Sy at Bb. Irish Cañete, at mga guro sa Araling Panlipunan na sina G. Jojo Ray C. Dela Cruz at G. Benjamin N. Lañada.

CASIO Philippines returns to PaSci

via Elyzza Esteban | The QuantumPhotos by: Aliyah Lopez, Santine Mauritius Susa, Dexter Ogale, Gabrielle Ayesha Nicolas “CASIO Philippines has always been there for us, and thank you, CASIO, for always choosing PaSci,” said The Euclidean President, Angelique L. Inlong, during her closing remarks at the CASIO Campus Tour Workshop held on Wednesday, July 16, at the Pasay City National Science High School Gymnasium. The Casio Campus Tour, part of The Euclidean’s annual project, marked another year of collaboration between CASIO Philippines and Pasay Science, providing valuable learning opportunities for PaScian Students. The workshop was divided into two sessions tailored to different grade levels. The morning session, held from 9:00 a.m. to 12:00 noon, focused on topics for Grades 7 to 9, while the afternoon session, from 1:00 p.m. to 3:30 p.m., addressed lessons for Grades 10 to 12. Mr. Aaron John Martinez, a representative from CASIO Philippines, served as the speaker for both sessions. He demonstrated how to use scientific calculators efficiently across subjects that require complex mathematical formulas and concepts, while students from all levels actively participated and responded with enthusiasm. The event concluded with Inlong’s message of appreciation, followed by a group photo with participants led by The Euclidean officers—bringing the workshop to a close.

Math Campus Tour, Idinaos sa PCNSciHS

: Ghea Nadera at Jashley Damaso: Zia Mayo at Juan Miguel Santos Matagumpay na isinagawa ang CASIO Math Campus Tour para sa mga mag-aaral ng Baitang 7 hanggang 9 sa PCNSciHS Gymnasium noong umaga ng ika-16 ng Hulyo. Layunin ng programa ang maipakilala sa mga mag-aaral kung paano mas napadadali at napahuhusay ang kanilang kasanayan sa Matematika gamit ang mga makabagong calculator mula sa CASIO. Nagsimula ang programa ganap na 9:00 ng umaga at nagtapos ng 11:30, kung saan masiglang nakibahagi ang mga estudyante sa iba’t ibang aktibidad na may kaugnayan sa Matematika. Nagbahagi ang kinatawan ng CASIO ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman at tips kung paano epektibong gamitin ang kanilang calculator, lalo na sa pagsagot ng mga komplikadong math problems. Bukod sa mga natutuhan, naging masigla rin ang mga aktibidad na nagbigay aliw at karagdagang kaalaman sa mga dumalo. Samantala, nakibahagi rin sa nasabing Math Campus Tour ang mga mag-aaral mula Baitang 10 hanggang 12 sa hiwalay na sesyon. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Ginang Arlyn Esber, puno ng Kagawaran ng Matematika, at iniwan niya ang mensaheng: “Let the power of math incline your curiosity.” Samantala, si Ginoong Aaron John Martinez mula sa CASIO Philippines ang nagturo ng mga makabago at epektibong paraan ng paggamit ng calculator sa larangan ng Matematika.

Korean Odyssey: Balolo’s Global Journey with Media Literacy

via Elyzza Esteban | The QuantumPhotos by: Mark Reniel BaloloPublication: Yelena Fabriancte Mark Reniel R. Balolo, participant under the 2025 Korea-Philippines Teacher Exchange Program (KPTEP), has officially returned to the country after a three-month teaching and cultural exchange stint at Suncheon Hyosan High School in South Korea, this Monday—July 14. Balolo, who represented the Philippines in the international exchange program, delivered lectures centered on Media Literacy—empowering students with critical skills to responsibly and effectively engage with digital platforms. The KPTEP program seeks to promote global citizenship through education, while fostering intercultural understanding between Korea and the Philippines. Capping his stay, Balolo was chosen to take part in the final presentation of their projects for the Philippines, showcasing details regarding his lectures regarding media literacy and its impact on his students, held last Friday, July 11. The event was also attended by Dr. Margarita Ballesteros, Director from the Department of Education, and Edwin Gil Q. Mendoza, Deputy Head of Mission at the Philippine Embassy in South Korea, who both offered feedback on the presentation. Along with Mr. Balolo, the final presenters also included Ms. Ma. Lourdes D. Rola from Caloocan High School, Ms. Toni Rose S. Sayson from Dumaguete Science High School, and Mr. Raleigh J. Ojanola from Koronadal Comprehensive High School. Upon his return, Mr. Balolo paid a courtesy call to Schools Division Superintendent Dr. Joel T. Torrecampo, CESO VI, wherein he was joined by Pasay City National Science High School Principal Dr. Mark Anthony F. Familaran, Assistant Principal Mrs. Sarah Jane T. Delos Santos, and Head Teacher III Mrs. Jackyline T. Lagaña.

Magiting na Guro, Inspirasyon ng Bayan

:Althea Loro: Ashley Ballesteros “Annyeonghaseyo,” marahil ang isa sa mga naging bukambibig niya sa mga nagdaang buwan. Talagang nakamamanghang isipin na ang kaniyang kakayahan bilang isang guro ay hindi lamang naranasan ng mga mag-aaral dito sa Pilipinas. Dinala niya ang kultura at edukasyon ng lupang sinilangan sa ibang bansa—sa katimugan ng Korea o mas kilala bilang South Korea. Matunog ang kaniyang ngalan dahil sa kaniyang posturang makaagaw pansin, mga matang laging nagmamasid, at tinig na naabot ang kaloob-looban ng sinumang kaniyang makasalamuha. Kilala n’yo ba siya? Isa siya sa apat na mapapalad at nagkaroon ng pagkakataong lumipad papunta sa banyagang lupa. Ang oportunidad na ito ay hindi madaling makuha subalit dahil sa sipag at tiyaga, sa lahat ng mga tagapagturo sa Pilipinas, siya ay isa sa mga napiling kinatawan ng ating bayan. Sa ilalim ng Korea-Philippines Teacher Exchange Program 2025 o KPTEP, siya ay nagturo sa Suncheon Hyosan High School mula Abril 15 hanggang Hulyo 12. Maliban pa sa pagiging panday-kaalaman, nagningning din siya bilang simbolo ng kultura sa ginanap na World Day for Cultural Diversity for Dialogue and Development—isang selebrasyong ipinagdiriwang ang iba’t ibang kultura sa mundo. Taas-noo siyang rumampa sa ginanap na fashion show habang suot ang Barong Tagalog, ang pambansang kasuotan ng kalalakihan sa bansa. Iginagalang, tinitingila, at hinahangaan. Tunay siyang inspirasyon hindi lamang ng kabataan kundi pati na rin ng mga guro. Hindi lamang aral na magagamit sa paaralan ang kaniyang ibinabahagi; hindi rin siya nagdadalawang-isip na magbigay ng mga salitang tatatak sa isip at puso ng bawat isa. Saglit man ang kaniyang naging paglalakbay, tiyak kong maraming naabot ang kaniyang tinig na makapangyarihan. Paulit-ulit niyang pinatunayan na ang kaniyang kakayahan ay hindi lamang limitado sa Pilipinas. Sa alinmang larangan siya tumindig—bilang guro, mamamahayag, o tagapagsalita, hindi magmamaliw ang sinag ng kaniyang diwa na nagbibigay-ilaw at pag-asa sa nakararami. Kilala n’yo na ba siya? Kung gayon, sabay-sabay natin siyang batiin ng… Maligayang pagbabalik, G. Mark Reniel L. Balolo!

Sa pagiging isang estudyante, may mga araw talagang parang wala ka namang napapala.

: Leigh Ann Prado Sa pagiging isang estudyante, may mga araw talagang parang wala ka namang napapala. Gumising ka nang maaga, naghabol sa siksikang jeep, at pumasok kahit walang tulog – tapos babagsak ka rin pala sa quiz. Kaya minsan, mapapaisip ka na lang talaga, “Para saan pa ba ‘to?” Ganiyan ang paulit-ulit na tanong ng isang tulad kong mag-aaral na gusto nang huminto kahit sandali — ngunit babangon din namang muli. Maraming araw na sunod-sunod ang gawain, sabay-sabay ang deadline, at paulit-ulit ang pagod dahil sa mahabang oras ng klase. Pero tila walang bumabalik mula sa lahat ng paghihirap ko. Para bang ako na lang palagi ang lumalaban, at wala ni isa ang handang sumalo. Sa bawat taon mo sa paaralan, paniguradong may iba-ibang “ikaw” na lumilitaw. Tulad ko, may bersyon ka ring puyat kaka-review pero bumagsak pa rin. May bersyon kang sumaya dahil minsan kang napansin at pinuri ng guro. At may bersyon ka ring hawak ang medalya o sertipiko habang naiiyak – dahil alam mong hindi naging madali ang pinagdaanan mo. At ang hindi mo napapansin, sa bawat “ikaw” na dumaraan, unti-unti mong binubuo ang sarili mong kuwento. Kuwento ng pangangarap kahit pagod na. Kuwento ng lakas ng loob kahit pinanghihinaan na. At kuwento ng mga pagkakamaling nagtuturo sa ‘yo kung paanong muling bumangon. Lahat ng naging bersyon ng ating mga sarili – ‘yung pagod, ‘yung umiyak nang palihim, ‘yung minsang gusto nang sumuko, at ang tahimik pero patuloy na lumalaban – sila ang nagturo sa atin kung paano maging tayo ngayon. Sila ang nagtulak sa atin para matuto at magpatuloy. At sa dami ng laban na ating hinarap, tayo ang tunay na panalo. Hindi dahil sa tayo’y perpekto, kundi dahil hanggang ngayon, nandito pa rin tayo. Ang “ikaw” na minsang mahina, takot, pero matapang – ay naging saksi sa pagbuo ng isang estudyanteng hindi lang matalino, kundi matatag. Hindi lang palaban, kundi buo. At sa pagtatapos ng lahat ng ito, darating ang araw na pasasalamatan mo ang lahat ng naging bersyon ng sarili mo. Maging bersyon mo man ito na hindi huminto – o kahit pa ‘yung bersyon mong sumuko.

Gastropod Species of the Last Natural Baston of Metro Manila, Philippines

: Alaiza Cruz: Ashley Ballesteros Isang bagong pag-aaral sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park ang nagbunyag ng mababang bilang ng marine gastropods na palatandaan ng matinding epekto ng polusyon at urbanisasyon sa natatanging wetland na ito sa Metro Manila. Kinabilangan ng mga dating estudyante ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) na sina Guianne Emmanuelle F. Angsanto, Dyanne Kimberly Q. Lao, Ryza Jane Cezar, Arnold Janssen G. Sumilang, Olivia Estephanie A. Basul, Felmyr Jhude B. Gamboa, Veronica Anne L. Hernandez at Clarence Vince M. Ikalina, dating research adviser na si G. Christian Jayvon C. Laluna, at mga partner researchers galing Polytechnic University of the Philippines (PUP) College of Science na sina G. Alvin N. Caril, Bb. Arial Joy J. Roderos, at G. Noel A. Saguil ang naturang pag-aaral. Ayon kay Guianne Angsanto, ang lider ng grupong nagsagawa ng pag-aaral, ang mga pangunahing sanhi ng polusyon at urbanisasyon sa wetland ay kinabibilangan ng patuloy na pagtatambak ng basura, land reclamation, at coastal development. Ang mga pagbabagong ito ay nagiging sanhi ng pagkasira ng natural na tirahan ng mga marine gastropods, lalo na sa mga mangrove area na bahagi ng focus ng kanilang research. “Kapag bumaba ang kalidad ng tubig, nasira ang mga tirahan, o dumami ang mga invasive species, ito ay malaki ang epekto sa populasyon ng mga gastropods,” ani Angsanto. Ang lugar ay itinuturing na Ramsar site o internasyonal na protektadong basang-lupa kung kailan ngayon ay humaharap sa panganib. Kailangan na ang agarang aksiyon para mapanatili ang natitirang baybaying santuwaryo ng siyudad. Pagbati sa ating mga mananaliksik! Basahin ang buong ulat sa Vol. 54 (1) Spring 2024: https://ams.wildapricot.org/AMS-Newsletter

PCNSciHS General Assembly 2025-2026

via Elyzza Esteban | The QuantumPhotos by: Chainne Ysabelle Guevarra, Dexter Ogale, Aliyah Lopez, Santine Mauritius Susa Parents and faculty members of Pasay City National Science High School gathered at the school gymnasium this morning, July 11, for the annual General Assembly. During the program, the outgoing School Parent-Teacher Association (SPTA) officers, featured reports and shared updates on the projects accomplished from the previous school year. In the afternoon, participants took part in the election of new officers for both the Homeroom Parent-Teacher Association (HRPTA) and the SPTA—reinforcing the school’s continued partnership with its stakeholders.

Stop and Salute Flag Raising Ceremony sa Rizal Park

TINGNAN: Nagtipon ang iba’t ibang organisasyon, kabilang ang Girl Scouts of the Philippines ng Pasay City National Science High School, sa Stop and Salute Flag Raising Ceremony sa Rizal Park, Luneta ngayong ika-7 ng Hulyo, na pinangunahan ng Salute To A Clean Flag. Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week, na dinaluhan nina Bb. Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Pilipinong nagkamit ng gintong medalya sa Olympic Game, at Bb. Rubilen Amit, ang unang Pilipina na nagwagi sa WPA Women’s World 9-Ball Championship.    

Good Fight, Alas!

via Jorel De Vera | The QuantumPublication by: Sofia Divinagracia Alas Pilipinas succumbed to Chinese Taipei in straight sets in the battle for bronze, 0-3 (17-25, 24-26, 22-25) at the 2025 VTV Cup held at Nhà thi đấu Vĩnh Phúc Gymnasium in Phu Tho, Vietnam yesterday evening, July 5. The team came fresh off of a second-place finish at the AVC Challengers Cup and saw a movement in the lineup with some key players being replaced. However, this placement is still an improvement from last year’s 8th place when the NU Bulldogs represented the country in the tournament.