Adding another medal in the PaSci DFOT vault, John Roy Benzon snatched the third place in the Population Development Quiz Bee today, January 18. Benzon was trained by Mr. Marlon Palaganas.

Iisang grupo, iba’t ibang kuwento
Sa mundo ng pagsasahimpapawid ng balita, ang grupo ay hindi lamang may iisang layunin. Binubuo ito ng iba’t ibang kuwento at mga pangarap na nais abutin. Sa nalalapit na pag-abot nila sa kanilang mithiin, oras na para atin silang kilalanin. Mula kay Kris Perez, na ang pagsali ay hindi inaasahan ngunit hindi maitatangging isa ito sa mga patimpalak na lubos niyang naramdaman ang kasiyahan. Sa pagsasahimpapawid ng balitang pampalakasan, may iisang kasiguraduhan: ihahatid niya ito nang may tikas at galing, at walang inuurungan. Si Sofia Mañacap, na unang naipamalas ang galing sa *Radio Broadcasting – English, ay determinadong muling maranasan ang RSPC sa pangalawang pagkakataon. Bilang tagahatid ng balita, bukod sa nais niyang magbigay ng impormasyon, ay nais din niyang magsilbing inspirasyon. Si Anikka Factor, na nagpakita ng talento sa iba’t ibang tungkulin sa larangan ng broadcasting—mula pagiging infomercialist, anchor ng TV at Radio Broadcasting, at ngayon bilang Technical Application ng grupo. Sa kaniyang pagsubok sa iba’t ibang responsibilidad, pinatunayan niyang ang kaniyang husay ay isa sa mga susi sa pagkamit ng tagumpay. Si James Lusuegro, ang infomercialist na nagsimula sa ibang kategorya bilang mamamahayag, ay sa murang edad nagbigay-buhay na sa samahan. Kasama niya rito si May Relyn De Paz, na nasasabik na muling sumubok sa patimpalak ng pamamahayag matapos ang anim na taon. Si Ayesha Salazar, ang Anchor 2 at tumatayong patnugot ng kategoryang Broadcasting. Nagsimula siya noong elementarya at kaniyang binitbit ang kaniyang pangalan nang manalong Best Anchor sa buong lungsod ng Pasay. Sa unang pagkakataon, nagdala rin siya ng iba’t ibang karangalan sa RSPC. Natakot man sumubok muli pagkalipas ng ilang taon, pinatunayan niyang ang alapaap ay maaabot kung may pagsisikap. Para sa kaniya, una pa lang, NSPC na ang kaniyang pangarap. At sa malayong sulok ng mundo, nakamit na niya ang bituing nakatakda para sa kaniya. At si Matthew Vitug, ang Anchor 1 at tumatayong direktor ng grupo, ay handa nang iangat ang pangalan ng PaSci Radio Broadcasting – Filipino sa mundo ng RSPC. Mula noon, hindi kumukupas ang kaniyang determinasyon at galing sa larangang ito—sapat upang magkaroon ng puwesto sa DSPC sa loob ng dalawang magkasunod na taon. Ayon sa kaniya, marami man ang nagbago sa grupo, dala pa rin nito ang tapat na balitang magpapatunay na ang korona ay walang iba kundi sa kanila. Bilang Punong Patnugot ng pahayagan, nais niyang makamit ang tagumpay ng buong samahan. Ang mga nagmamay-ari ng iba’t ibang kuwentong ito ay magsasanib-puwersa upang maghatid ng makabuluhang balitang nagpapakita ng tunay na kalagayan ng ating lipunan. Ang grupong ito ay hindi lang basta samahan kundi boses din ng mga mamamayan. Ang bawat hakbang ng Radio Broadcasting – Filipino ay isang paalala na ang pamamahayag ay may kakayahang magbukas ng mga mata, magbigay-lakas sa mga mahihina, at magbigay-liwanag sa bawat bukas. Ipakita ang lakas ng kolektibong tinig at magsilbing boses sa mga hindi naririnig. #HusayNgPaSci #DSPC2025

Karamihan man sa kanila’y baguhan, buong-puso at may tapang silang lalaban
Sila ay nagsisimula pa lamang, ngunit ang kanilang mga mata ay puno ng determinasyong matutuhan ang iba’t ibang aspeto ng larangang kanilang sinalihan. Para kay Althea Loro, ang pagiging bahagi ng DSPC ay hindi inaasahan. Hindi kailanman naging madali ang pagsulat ng lathalain para sa kaniya. Ngunit dahil sa kaniyang determinasyong magsanay, kasama na ang pagtitiwala ng ibang tao, naipakita niya ang kaniyang galing kung kaya’t nagbunga ang kaniyang paghihirap. Kaya’t ngayong muling nagbukas ang pinto ng DSPC para sa kaniya, ang magiging karanasan niya ay nasa gitna ng pagkapanalo, pagkatuto, at pareho. Ayon naman kay Recca Imperial, ang bawat sulat ay daan patungo sa makabuluhang pagpapahayag. Nagsimulang magsulat ng Balitang Pampalakasan noong elementarya, ngayon ay patuloy na hinuhubog ang kaniyang karunungan sa pagsusulat. Para sa kaniya, ito na ang pagkakataon upang mas mapalawak pa ang kaniyang kaalaman. Si Gab Nicolas, ang tagasulat ng balita at tagakuha ng larawan ng grupo, ay naniniwalang ito ang simula ng kaniyang paglalakbay tungo sa kahusayan at tapat na paglilingkod sa katotohanan. Sa kabila ng pagiging baguhan, puno pa rin siya ng determinasyong gamitin ang kaniyang mga natututuhan. Dahil kay Carl Victoria, nailalahad ang mga makatarungang opinyon sa pamamagitan ng kumpas ng kaniyang kamay. Naniniwala siyang ang pagguhit ay isa sa mga elementong makakapagbukas ng isipan ng tao. Dahil sa kaniyang nag-aalab na determinasyon, alam niyang ang paglalarawan ay gagamitin niya bilang sagwan sa dagat ng pagsubok na maaaring dumating ngayong DSPC. Para naman kay Shan Galura, DSPC ang naging daan upang makabuo siya ng mga bagong ugnayan. Ito rin ang nagpabukas sa kaniyang isipan at nagpalalim sa kaniyang kakayahang umunawa. Dahil dito, natutuhan niyang ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga medalya, kundi sa mga aral at karanasang naipon. Kaya’t ngayong DSPC 2025, ituturing niya ito hindi lamang bilang isang kompetisyon, kundi isang pagkakataon upang maipakita ang kahalagahan ng pagiging isang mamamahayag. Ang kanilang pagsisimula ay hindi lamang tanda ng bagong paglalakbay kundi ng isang pangako na maglilingkod nang may katapatan at integridad para sa kapakanan ng bayan. #HusayNgPaSci #DSPC2025

Lakas at Galing ng isang PaScian
Ang bawat mamamahayag ay may kani-kaniyang kuwento ng pagsusumikap, tagumpay, at pangarap. Sa PaSci Desktop Publishing Team ng DSPC 2025, lumalabas ang tunay na esensya ng sama-sama at walang iwanan. Narito ang kanilang mga kuwento: Para kay John Mark Lagman, ang DSPC ay isang landas patungo sa patuloy na pag-angat. Mula sa ikaapat na pwesto noong Grade 10, naging ikalawa siya sa Grade 11. Ngayon, ang layunin niya ay masungkit ang unang pwesto. Ito ay isang hakbang patungo sa mas mataas na tagumpay. Ang kanilang grupo, na hangad ang pitong medalya at pag-abot sa RSPC, ang nagsisilbing inspirasyon sa kanyang walang sawang pag-eensayo. Si Ana Celso, na dati’y nakipaglaban bilang manunulat ng lathalain noong elementarya, ay muling nagbabalik ngayon bilang taga-anyo ng pahina. Sa kabila ng kawalan ng karanasan sa high school competitions, itinuturing niya ang pagkakataong ito bilang kanyang unang laban at huli. Ang hangarin niya ay hindi lamang para sa sariling tagumpay kundi para sa buong grupo. Hindi madaling ilarawan ang nararamdaman ni Alaiza Cruz tuwing sumasali sa DSPC. Matapos ang limang taong paghinto sa indibidwal na kategorya, siya ay muling nagbabalik, bitbit ang determinasyong makamit ang unang pwesto. Sa kabila ng hirap at pagod, nananatili ang kanyang layunin: ang maghatid ng balitang makatotohanan, walang pinapanigan, at maipakita ang kakayahan ng bawat PaScian. “Nerve-wracking yet fulfilling,” wika ni Claire Domenden. Dati, mag-isa niyang hinaharap ang entablado ng DSPC. Ngunit ngayon, kasama niya ang grupo sa bawat hakbang. Ang kanyang layunin ay hindi lamang manalo kundi makabuo rin ng matatag na pagkakaibigan sa mga kasama. Bilang pinakabatang miyembro ng grupo, puno ng hamon at emosyon ang karanasan ni Leigh Ann Prado sa DSPC. Sa kanyang unang laban, nakamit nila ang ikatlong pwesto kahit hindi kumpleto ang kanilang pahayagan. Ang tagumpay na iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob at determinasyon na ngayon ay maabot ang mas mataas na antas—walang iba kundi ang RSPC. Para kay Jensen Lee, ang DSPC ay hindi lamang kompetisyon; ito rin ay pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pananaw sa mundo gamit ang lente ng camera. Sa loob ng tatlong taon bilang feature writer, sports editorial writer, at photojournalist, natutunan niya ang kahalagahan ng tiyaga at dedikasyon. Ngayong taon, nais niyang makamit muli ang tagumpay at ituloy ang laban patungo sa NSPC 2025. Para kay Alicia Venus, ang DSPC ay simbolo ng sakripisyo, tiyaga, at pagkakaisa. Noong nakaraang taon, kinailangan niyang gampanan ang dalawang tungkulin bilang manunulat ng editoryal at kartunista. Sa kabila nito, nakamit nila ang ikalawang pwesto at tatlong espesyal na parangal. Sa kanyang huling taon bilang pinuno ng Filipino Desktop Publishing, naniniwala siya sa kakayahan ng bawat miyembro. Anuman ang resulta, ipinagmamalaki niya ang talento at dedikasyon ng grupo. Ang bawat miyembro ng Desktop Publishing Group ay may natatanging kuwento—mga karanasan na nagbubuklod sa kanilang layunin na magtagumpay. Ang kanilang kuwento ay hindi lamang tungkol sa tagumpay kundi tungkol sa pagkakaisa, dedikasyon, at pagmamahal sa sining ng pamamahayag. Sa DSPC 2025, handa silang ipakita ang lakas at galing ng isang PaScian. #HusayNgPaSci #DSPC2025

29th National Autism Consciousness Week
Caption and Information: Elijah La Torre & Cuaiyne GarciaLayout: Eryx Euxine Llanes [IGNITE] How are you, PaScians? Did you know that January 20 to 26, 2025 is known as the 29th National Autism Consciousness Week? Come and join us in the celebration. Empowerment! In accordance with President Fidel Ramos’ Proclamation 711 of 1996 , the Philippines will commemorate its 29th National Autism Consciousness Week from January 20 to 26, 2025. This annual observance aims to inspire true acceptance, accommodation, and appreciation of individuals on the autism spectrum, both in our society and in the global community. With the theme “𝗣𝗮𝗴-𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗟𝗶𝗱𝗲𝗿 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗶𝗶𝘄𝗮𝗻”, this week calls for action to ensure that persons on the autism spectrum can live with dignity, enjoy equal rights and access, function independently, and contribute productively. The theme emphasizes the importance of leadership in creating an inclusive society in which no one is left behind. It also supports the United Nations’ mission of encouraging people with disabilities to take on leadership roles, develop policy, and promote equality and accessibility. As we commemorate this week, let us focus on: Empowering individuals on the autism spectrum to lead change. Develop leadership abilities and provide people on the spectrum the chance to speak up for themselves and their communities, motivating others and bringing about significant social change. Promote inclusive practices across all sectors. Encourage families, friends, and educators to embrace inclusive policies and practices that give people with autism fair access to education, work, and civic engagement, among other facets of life. Foster acceptance, accommodation, and appreciation. Strengthen societal understanding of autism and the unique contributions of individuals on the spectrum, breaking stereotypes and creating an environment where diversity is celebrated and everyone has the chance to thrive. Let us go beyond mere “consciousness” or “awareness” and inspire true inclusion through acceptance, accommodation, and appreciation. We encourage both public and private institutions to lead creative activities, events, and programs that build opportunities for our neurodiverse population across the country. This is not just a week of awareness, but it is also about establishing action toward inclusion. Let’s all be part of creating a community in which all people are included. Together, we can bring the necessary rights and opportunities for individuals on the autism spectrum and build a future in which no one falls behind. Source: http://bit.ly/4j6DPF3

Have you forgiven yourself for the person you didn’t become?
Caption: Ayesha Ehris SalazarLayout: Alexandra Del Villar The second week of the year has passed, with that, let us ask you something: Have you forgiven yourself for the person you didn’t become? Somewhere along the way in our journey, many of us lose touch with the person we imagined we’d become. The dreams we once shared might fade. The future we once imagined may seem like a distant memory. Regrets and disappointments come that make us feel that we’ve failed and lost everything. But the truth is, it’s never too late to begin again. When we cling to the weight of “what could have been,” we forget the beauty of “what still can be.” Allow yourself to be free from these burdens. Forgive yourself, because forgiving ourselves is to accept that we are imperfect, that we’ve made mistakes, and that those mistakes do not define us. It’s about releasing the guilt, shame, or anger that keeps us stuck to the past. Forgiveness doesn’t mean forgetting what we’ve been through or ignoring our past. Instead, it allows us to accept our journey, including the missteps, as part of our growth. It’s a way of saying, “I did the best I could with what I knew at that time, and now I know better.” Life is a series of beginnings, endings, and everything in between. The person you are today is not the same person you were a year ago—and that’s a beautiful thing. Growth is a continuous process, and every moment offers an opportunity to begin again. So, forgive yourself for the person you didn’t become. Let go of the life you thought you should have lived. Instead, embrace who you are now and take small steps toward the person you want to be.

Pasay City National Science High School initiated a partnership with JBL Scientific to advance science education in Pasay City
Correspondent: Prince Gabriel Manela and Jed Palonpon Pasay City National Science High School initiated a partnership with JBL Scientific to advance science education in Pasay City during an initial meeting held at the school yesterday, January 14. The meeting marked the first collaboration between the two parties, aiming to explore JBL Scientific’s background and the services it can provide to support the school’s science programs. The discussion was led by School Principal Dr. Mark Anthony Familaran, and Juan Benigno Luarca, owner of JBL Scientific. Familaran said that “Ang goal ko talaga with this partnership is una, yung student-researchers na may mapupuntahan sila.” “Pangalawa, ay para magkaroon kami ng idea kung ano ba dapat ang nasa isang laboratory,” he affirmed. Mrs. Shannen Gomez, Research teacher, outlined the resources that JBL Scientific plans to provide, including chemicals, reagents, and essential laboratory equipment. She emphasized the availability of advanced testing services, such as Phytochemical Analysis, UV-Vis spectroscopy, rotary evaporators, and Soxhlet apparatus. “This is a great convenience and help (to students), especially since they are the ones who are looking for these services outside,” Gomez noted “Hopefully, this stable partnership with JBL Scientific will really help our researchers because it will save some time; students are in safe hands and well taken care of with this promising facility.” JBL Scientific also proposed conducting workshops and seminars for the school’s science teachers to enhance their laboratory techniques and analysis skills. Familaran expressed hopes of extending the partnership’s impact by engaging the alumni community. “Kasi, for how many years na tayo, and marami sa mga naging alumni ay naging successful, hindi ko nararamdaman yung support nila.” After the meeting, Familaran toured JBL Scientific’s facilities and inspected the school’s science laboratories to evaluate their equipment and overall environment. Both parties described the gathering as productive and expressed enthusiasm for future collaborations.

National Rally for Peace
Correspondent: Jed Palonpon More than 1.5 million members of the Iglesia ni Cristo (INC) gathered today at Quirino Grandstand for the “National Rally for Peace,” a powerful demonstration of support for Vice President Sara Duterte amid calls for her impeachment. The rally, organized by the influential religious group, aimed to showcase unity and solidarity against political unrest, echoing President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s appeal to reject impeachment efforts and prioritize national stability. Following the rally, Vice President Duterte expressed her heartfelt gratitude to INC for their unwavering support. “This is a powerful display of unity and faith, driven by the sole desire for peace and progress in our country,” the Vice President said. The rally featured prayers, speeches, and calls for cooperation and unity, aligning with the Marcos administration’s vision of a peaceful and progressive Philippines.

Pasay City National Science High School, pasok sa Final Round ng Junior at Senior High School Categories sa 2025 Brainiac Clash of the Sci-Tech Champs!
TINGNAN: Pasay City National Science High School, pasok sa Final Round ng Junior at Senior High School Categories sa 2025 Brainiac Clash of the Sci-Tech Champs! Matagumpay na nakamit ng Junior High School team na sina Xhian Alsola, Stephen Gabor, at Rhian Franco ang ikapitong puwesto. Pumwesto naman sa ikaanim ang Senior High School team na binubuo nina Carl Carasco, Maxine Reyes, at Ronan Castro sa kani-kanilang kategorya. Abangan ang pagpapatuloy ng kanilang laban sa darating na ika-15 ng Pebrero sa Philippine Science High School.

Isang larawan, isang kuwento, isang layuning magpahayag ng katotohanan.
Unang sabak man sa kompetisyon noong nakaraang DSPC, napatunayan ni Mervyn Valdez ang kaniyang husay bilang isang tagakuha ng larawan; Kaniyang nasungkit ang ikatlong puwesto na siyang naging susi niya para makapasok ng RSPC. Ngayon, sa kaniyang huling taon sa kompetisyon, mas determinado siyang abutin ang unang puwesto at magbigay ng mga kuwento mula sa iba’t ibang tao—mga kwentong kailangang makita at maipahayag. Sa bawat pitik ng kaniyang kamera ay alay para sa makatotohanang pamamahayag. Suportahan natin si Mervyn sa DSPC 2025! #DSPC2025 #HusayNgPaSci