Isinulat ni: Marco Mallorca
Iniwasto ni: G. Randie Pimentel

Nagwagi ng iba’t ibang karangalan ang Schools Division Office of Pasay City sa Regional Climate Change Caravan (RCCC) 2025 nang idaos ito ng Makati Science High School sa Lungsod ng Taguig nitong ika-28 ng Nobyembre 2025.
 
Nakamit ni Francine Yanie Santiago ang Unang Gantimpala sa Poster Making Contest sa paggabay ni G. Mark Alvin D. Asis ng Apelo Cruz Elementary School.
 
Nag-uwi naman ng Ikalawang Gantimpala sa Quiz Bee si Akishamay P. David ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) sa ilalim ng pagsasanay ni Bb. Micah Ella D. Cuison.
 
Naging finalist naman si Filha Ray Penelope Ray J. Bautista ng PCNSciHS sa Project Pitch Competition sa patnubay ni G. Divino S. Igat.
 
Lumahok ang delegasyon ng SDO Pasay na pinangunahan nina DRRM focal person PDO II Bayani H. Litusquen, YFD coordinator Sheryl B. Veruasa, at SDRRM co-coordinator Randie D. Pimentel.
 
Nagsilbing kinatawan naman sina Shanaiyen Leal Salazar, Marian T. Tamayo, at Ron David A. Santiago PCNSciHS sa kanilang pakikibahagi sa pantas-aral.