| Ghea Mae Nadera
| John Roy Benzon

Lumahok si Bryce M. Bonus, isang mag-aaral sa ika-8 na baitang, sa ginanap na Southeast Asian Mathematical Olympiad (SEAMO) 2025 na ginanap online noong Oktubre 18, 2025.
Ang SEAMO ay isang kompetisyon para sukatin ang kaalaman ng mga estudyante sa iba’t ibang parte ng Matematika tulad ng Word Problems, Patterns and Puzzles, Logic, Geometry, Arithmetic, Analysis, at Algebra.
Binigyan si Bryce ng sertipiko ng pakikilahok bilang pagkilala sa kaniyang pagsusumikap at sa pagrepresenta ng paaralan sa kompetisyon.
Upang paghandaan ang kompetisyon, nag-review si Bryce ng mga aralin sa Grade 9 at 10. Ayon sa kaniya, “Advantage na may na-build ka nang knowledge at fundamentals bago ang competition upang masagutan ang mga tanong.”
Matagumpay na isinagawa ang SEAMO 2025 online at naging maayos ang daloy ng kompetisyon.



