| Ayesha Salazar
| Dexter Ogale
Inilunsad ang Division-Wide Reading Proficiency Contest para sa elementarya at sekondarya ng Pasay City ngayong Nobyembre 14 sa Padre Zamora Elementary School na may temang “Bridges of Understanding: Reading for Empathy, Critical Thinking, and Lifelong Learning.”
Nasungkit ni Martin Cedric Eneria ang Unang Gantimpala para sa ika-7 baitang sa ilalim ng pagsasanay ni Gng. Ruwena Cascayan.
Nakamit naman ni Hannah Zarren Vere ang Ikalawang Gantimpala para sa ika-9 na baitang sa gabay ni Gng. Anabella Cusi.
Nakuha naman ni Rhian Jennica Franco ang Unang Gantimpala para sa ika-10 baitang sa pagsasanay ni G. Mark Reniel Balolo.
Pumwesto rin ni Leon Corwin Manlangit mula sa ika-12 baitang ang Unang Gantimpala sa gabay ni Bb. Jean Glenn Verdera.
Ipinahayag ni G. Restituto I. Rodelas, Chief Education Program Supervisor ng Curriculum and Implementation Division, ang kanyang pagbati sa bawat nanalong kalahok sa kanyang pangwakas na pananalita.
Aniya, “Every learner here is a winner. Because every one of you chose to challenge yourselves—to grow and to believe that you can. May this experience serve as a reminder that reading will always open doors. Doors of opportunities, doors of wisdom, and doors to a world where learning never ends.”
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |









