| Ayesha Ehris Salazar
| Dexter Ogale, Gabrielle Ayesha Nicolas, Aliyah Lopez
Itinanghal na Overall Best Performing School ang Pasay City National Science High School (PCNSciHS) sa 2025 Division Science and Technology Fair na ginanap noong Oktubre 16, 2025 sa Pasay City South High School na may temang “Harnessing the Unknown: Powering the Future Through Science and Innovation.”
Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral ng PCNSciHS sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng Sci-Quiz, Poster Making, Science Tricks, Science Warriors, Research Festival, at Robotics Competition, na nagresulta sa kabuuang 109 puntos at pagkapanalo bilang Best Performing School.
Nasungkit naman ng Pasay City West High School ang 1st Runner Up na may 80 puntos, habang Pasay City South High School naman ang 2nd Runner Up na may 63 puntos.
Dinaluhan ang patimpalak ng mga mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya ng Dibisyon ng Pasay kasama ang kanilang mga magulang, guro, at punongguro.
Dumalo rin sa nasabing programa ang mga opisyal ng DepEd Pasay, dating Konsehal Joey Calixto Isidro, at Kongresista Antonino Calixto bilang suporta sa mga kalahok at sa layuning paunlarin ang agham at teknolohiya sa lungsod.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |









