| Jane Ashley Tuazon
| Ashley Ballesteros
Inilabas ang resulta nitong Oktubre 7, 2025 ng mahigit isang libong estudyanteng Pilipino, kabilang ang mga mag-aaral ng Pasay City National Science High School na nagkamit ng iba’t ibang karangalan sa 2025 Australian Mathematics Competition na ginanap onsite nitong Agosto 9, 2025.
Kabilang ang mga PaScians na sina Tristan Johann Bautista at Cesar IV Evangelista ng ika-9 na Baitang sa nagtamo ng Proficiency Awards sa paligsahang ito.
Ipinapakita ng pagkilalang ito na naabot nila ang pamantayan ng Australia sa pagsusuri ng kasanayan sa problem solving at lohikal na pag-iisip sa Matematika, at nagsisilbing patunay ng kanilang sapat na kahusayan sa asignaturang ito.
Kinikilalang isang pandaigdigang paligsahan ang Australian Mathematics Competition (AMC) na may layong sukatin ang husay ng mga estudyante sa problem-solving at lohikal na pag-iisip.
Naipamalas sa taong ito, ng maraming kabataang Pilipino ang kanilang kakayahan sa international level sa tulong ng virtual na plataporma.
Nagtagumpay ang mga mag-aaral sa tulong ng kanilang gurong tagapagsanay na si G. Oscar Deo L. Dacuba.




