Lumahok ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang ang mga estudyante ng Pasay City National Science High School, sa National Mathletics Challenge (NMC) na isinagawa sa pamamagitan ng online ngayong Oktubre 20, 2024.
Limang kategorya ang nilalaman ng National Mathletics Competition (NMC) na isang online na kompetisyon sa Matematika para sa mga mag-aaral mula Baitang 3 hanggang Baitang 12 sa Pilipinas: Algebra, Combinatorics, Geometry, Logical Analysis, at Number Theory, na nahati sa iskedyul: Novice Numerators (Baitang 3-4, 8:00-9:00 NU), Intermediate Math Maestros (Baitang 5-6, 9:30-10:30 UM), Advanced Arithmetic Aces (Baitang 7-8, 11:00 UM-12:00 NT), Proficient Problem Solvers (Baitang 9-10, 1:00-2:00 NH), at Masterful Mathematicians (Baitang 11-12, 2:30-3:30 NH).
Ayon sa opisyal na talaan ng mga kalahok, umabot sa 47 na estudyante mula sa Pasay City National Science High School ang lumahok. Narito ang listahan ng mga estudyante, kanilang baitang, at guro:
Baitang 7
Guro: G. John Bryan Pacris
Shawn Kenneth O. Deodor
Quendra D. Ulep
Justin Matthew Tangarorang Moral
Jayden Curt M. Tulod
Francesca Maria Valeza Vidal
Bryce Macabante Bonus
Samantha Jhay R. Bago
Ethan Franc Bustamante Panilag
Baitang 8
Guro: Gng. Chiradee-Ong Javiniar
Bryan Trevor C. Narciso
Tristan Johann M. Bautista
Drew Denver Esposo Dulay
Cesar Cabael Evangelista
Julian Raphael P. Carlos
Mclorenz Aldrei Abanador Gutierrez
Azalea Ferryn R. Tolin
Juan Ian Antonio D. Cabingue
Jeryl V. Padilla
Janiree Aurelio Sanchez
Charles Matthew Francisco Andres
Mark Lorenzo R. Sales
Akishamay P. David
Adriana Mikhailia C. Diaz
Baitang 9
Guro: Gng. Mariecar Sarmiento-Medina
Andrei Euan C. Fegidero
Jen Michelle T. Diaz
Vhan Daniel A. España
Rhian Jennica J. Franco
Eunice Yngrid B. Lucilo
Khryzteen Vhela C. Mateo
Alexandra Del Villar
Rolando D. Teves
John Roy G. Benzon
Baitang 10
Guro: Bb. Anne Rose Falcatan at G. Napoleon Anteja Jr.
Arkin Zeus C. Espeso
Francheska Jehan M. Mondoy
Joebbie Krizel V. Gaugano
Xhian Miguel P. Alsola
Danella Jorin P. De Vera
Nikita Xyzelle B. Pariña
Baitang 11
Guro: Bb. Anne Patricia Hablado
Filha Ray Penelope J. Bautista
Neil Josh D. Icaro
Samim M. Pangcatan
Baitang 12
Guro: Bb. Rexielle Joy V. Villareal
Ladislao Moises Bentulan Pasco
Ronan Kaiser Julian A. Castro
Mcklain Adrielle A. Gutierrez
Marcus Iñigo Agoy
Shaun Mustang G. Jacinto
John Lois V. Picaña
Marc Bernard Joseph A. Damasco
Nagsimula ang kompetisyon na may mga alituntunin kung saan kinakailangan ng bawat kalahok na gumamit ng laptop o desktop na may kamera at mabilis na koneksyon sa internet, hindi pinapayagan ang paggamit ng calculator, bawal kumuha ng screenshot, at kailangang mag-isa sa silid. Kapag nasunod na ang mga alituntuning ito, maaaring magsimula ang kalahok ng isang oras na pagsusulit sa pamamagitan ng ibinigay na link.
Kagawaran ang mga kalahok batay sa kanilang ranggo: ang top 30% ay makakatanggap ng sertipiko at medalya (ginto para sa top 10%, pilak para sa 11%- 20%, at tanso para sa 21%- 30%), habang ang natitirang 70% ay makakakuha ng sertipiko ng achiever, merit, o partisipasyon, ang coach ng nagwagi ay tatanggap din ng sertipiko.
Naglalayon ang kompetisyong ito na paunlarin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa Matematika, Lohika, at pag-compute, na may malaking kontribusyon sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kakayahan, na magsisilbing pundasyon para sa mas mataas na antas ng edukasyon at sa kanilang hinaharap na buhay propesyonal.