TINGNAN: Nagtipon ang iba’t ibang organisasyon, kabilang ang Girl Scouts of the Philippines ng Pasay City National Science High School, sa Stop and Salute Flag Raising Ceremony sa Rizal Park, Luneta ngayong ika-7 ng Hulyo, na pinangunahan ng Salute To A Clean Flag.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week, na dinaluhan nina Bb. Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Pilipinong nagkamit ng gintong medalya sa Olympic Game, at Bb. Rubilen Amit, ang unang Pilipina na nagwagi sa WPA Women’s World 9-Ball Championship.

