Sa paggunita ng ika-23 Araw ng Pagkatatag ng Pasay City National Science High School, nagtanghal ang bawat pangkat para sa Cluster Dance Competition nitong ika-27 ng Hunyo.

Ang paligsahan ay hinusgahan nina Gng. Chiradee Javiniar, Gng. Abegail Villanueva, at Gng. Charlene Otazu.

Nagwagi rito ang Blue Braniacs na sinundan ng Green Skater Dudes, Red Jocks, at Yellow Thespians.

Pinangunahan ni Filha Ray Penelope Bautista, Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government ang paggawad ng parangal sa mga nagwagi sa Cluster Dance Competition.